Chapter 21

9 0 0
                                    

"Anong ginagawa mo rito?" Masungit na saad ni Zephyr.

"Magkakilala na pala kayo?" Naaliw na tanong ng Mahal na Hari.

Inirapan lang ito ni Zephyr.

Aba! Pati pala ang Mahal na Hari ay hindi nakakalampas sa kasupladuhan nito!

"May kukunin lang ako sa kwarto,"anito sa Mahal na Hari. "Hintayin mo ako at sabay na tayo bumalik ng kampo." Anito sa akin.

Yumukod naman muna ito sa Mahal na Hari bago umalis.

Nagkatinginan kami ng Mahal na Hari.

Malungkot na ngumiti ang Hari.

"Isa si Zephyr sa apat naming anak ng aking mahal na Reyna Estancia. Ang dalawang panganay na prinsipe ay napatay sa mga nakaraang digmaan. Kung kaya't kay Zephyr nakaatang ang responsibilidad ng Kaharian kung sakaling mamatay ako. Bilang natatanging tagapagmana ng Kaharian ay napakabigat ng dalahin ni Zephyr kung kaya't nahirapan siyang magtiwala nang basta-basta kung kani-kanino."

Napakunot ang noo ko. "Wala na ba kayong naging anak sa iba niyong asawa?"

Natawa uli ang Mahal na Hari. "Si Reyna Estacia lang ang aking asawa."

"So hindi totoo na may 365 kayong asawa!" Di pa rin ako makapaniwala sa naririnig.

Tumawa na naman ang mahal na hari.

"Iisang babae lamang ang naging asawa ko. Subalit nalunod siya nung limang taong gulang pa lamang si Zephyr. Pagkatapos noon ay di na ako muling nag-asawa. Maraming mga kaharian ang nagpadala ng prinsesa subalit pinakalat ko ang narinig mong tsismis para madisgana sila at tumigil na sa pagpapadala ng aking mapapangasawa."

Napangiti ako. Nakakakilig naman magmahal ang Mahal na Hari! Kapag sinabi ko kayang isa ako sa mga pinadala dito sa kaniyang kaharian para maging asawa niya, patulan kaya ako ng Mahal na Hari??

Kinikilig akong isipin yun!

(Multo ni Reyna Estancia: Over my Dead Body!!!)

Bakit parang naninindig balahibo ko...?

"Sa totoo lang, dati ay nag-aalala ako kay Zephyr. Bilang aking tagapagmana, akala ko ay hindi siya makakahanap nang magiging kabiyak at katuwang niya sa pamamalakad ng kaharian. Lumaki si Zephyr na walang ina. Maging ang kaniyang tagapag-alaga na si Albius ay isa ring lalake. Kaya ilang siya kumilos sa ibang mga babae."

Napangiwi ako. "B-buti na lang pala...H-hindi ako babae! Haha! Haha!" Pagak ang mga tawa ko.

"Oo...buti na lang!" May kakaibang kislap sa mga mata nito. "Natutuliro kasi yan si Zephyr kapag nakakakita ng babae. Lalo na pag alam niyang may gusto sa kaniya. Panay ang takas! Hindi ko alam kung bakit!"

"Andres!" Narinig kong tawag ni Zephyr. Hinila ako nito palapit sa kaniya. "Aalis na po kami Amang Hari!"

Nakangangang napatingin ako sa Hari habang karag-karag ako ni Zephyr. Ngumiti ito at kumaway sa akin.

Natatanaw ko pa ang mahal na Hari nang biglang may magandang babae ang lumitaw at patakbong lumapit sa amin...

"Zephyr!" Agad itong yumakap kay Zephyr. Binitawan naman ako nito para yumakap din sa magandang babae(pero mas maganda pa rin ako sa kaniya!), na sexy( di hamak na mas sexy ako uy!).

(Author: Hindi ka naman halatang insecure no?)

"Bakit hindi mo sinabing andito ka pala sa palasyo?" Malambing ang boses nito.

Arte-arte magsalita!

(Author: Bakit ka ba nanggagalaiti? Wala naman sayong ginagawa yung tao?)

(Ako: Pakilagyan nga ng masking tape ang bibig nung Author!)

(Author: asdfg...)

Matamis ang mga ngiting tiningnan ito ni Zephyr.

"Aalis din kasi ako agad." Sagot nito.

"Ha? Bakit? Miss na miss na kita. Dito ka na matulog ngayong gabi!!"

Napatingin ako kay Zephyr. Aliw na aliw itong nakatingin sa babae.

Akala ko ba hindi ito sanay sa presensya ng ibang babae? Akala ko ba nagiging tuod ito pag nakakakita ng babae? Napakasinungaling mo Mahal na Hari!!!!

Bakit ba ako nanggagalaiti? Yung mga kamay ko parang gustong mambali ng leeg ng babaeng maarte magsalita!!!

"Mahal na Prinsipe!" Nagambala ang paglalandian este pag-uusap ng dalawa.

"Albius."

"Pinapatawag po kayo ng mga ministro."

Napatingin si Zephyr sa babae. Nakasimangot na ito.

"Hmp!"

"Susubukan kong bumalik mamaya at dito matulog para sayo."

Biglang lumiwanag ang mukha ng babae.

Napatingin naman sakin si Zephyr. "Huwag mo na akong hintayin. Sumama ka na kay Artemius pabalik ng kampo."

Tinirik ko ang mga mata ko.

Kanina...ang sabi niya...hintayin ko daw siya umalis! Nakita lang ng magandang babae... pinapauwi na akong mag-isa?? Hindi ba siya nag-aalalang may mangyari sa aking masama sa daan?

(Author: Unang-una..pinapasabay ka niya kay Artemius. Saka lalake ka uy! Mas nakakatakot pa nga ang kahihinatnan ng taong magtatangka sa buhay mo no!)

Naiimbyerna ako lalo sa pinagsasabi ng Author!

Napatingin sa akin ang babae.
"Sino ka? Anong kinalaman mo kay Zephyr?"

Lihim ko itong inirapan ko ito. Wala kang pake!

"Isa lamang po akong hamak na kawal ng kaharian."

Tiningnan ako nito mula taas hanggang baba. "Bakit parang masyado kang maganda para sa isang kawal?"

Naubo ako sa sinabi nito. "B-baka po ang ibig niyong sabihin ay P-Pogi!"

Umirap ito. "Si Zephyr lang ang pogi sa paningin ko!"

Pinigilan ko ang sarili kong baliin ang leeg nito!

"A-Ares!" Boses ito ni Artemius.

"Artemius! Tamang-tama! Pauwi ka na ba? Sabay na tayong bumalik ng kampo!" At baka mabali ko pa ang leeg ng kaharap ko.

"Z-Zafyra." Namumulang saad ni Artemius. Kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa babae.

Zafyra pala pangalan nito.

"Kamusta, Artemius!" Nakangiting bati nito.

Nakita kong natunaw sa kinatatayuan si Artemius.

Huwag mong sabihing pati si Artemius...hindi nakawala sa Charm ng babaeng ito!

Kung Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon