Chapter 10

9 0 0
                                    

"Ang ganda!!"

Di ko maiwasang mamangha! Tunay ngang malaki at maunlad na kaharian ang Armania kumpara sa amin. Napakasigla at buhay na buhay ang bayan nito maging sa gabi.

Di ko namalayang may nakaapak pala sa laylayan ng damit ko kung kaya't nadapa ako nang subukan kong maglakad.

"Patawad!" Agad namang humingi nang paumanhin ang taong nakaapak sa akin. Mukhang nagmamadali kasi ito.

"Ayos lang po! Walang problema sakin yun." Nakangiti ako habang pinapagpag ang damit. Sa sobrang tagal ng panahong nakapandamit-lalake ako ay nakalimutan ko na kung gaano kahirap magsuot ng damit pambabae.

"Tulungan na kita tumayo."

Hindi pa ako nakakatayo ay may bumangga na naman sa akin. Napaupo na naman ako sa lupa. Napakamot ako.

Napakamalas ko naman ngayong araw!!

"Hoy! Walang modo!" Nakita kong hinabol nung nakatapak sa damit ko kanina yung nakabangga naman sa akin ngayon. Mukhang tumatakbo ito at may tinatakasan kung kaya't di ako napansin.

Maya-maya pa'y may dumating na isa pang lalakeng tumatakbo rin. Natigil ito sa harapan ko. Inabot nito ang kanyang mga kamay para tulungan ako tumayo. Subalit nakatingin pa rin ito sa lalakeng bumangga sa akin.

Mukhang ito yung humahabol dun sa lalake.

Nagulat ako pagtayo ko nang makilala ang lalakeng nasa harapan ko. Buti na lang at agad itong umalis nang hindi man lang tumitingin sa akin.

Si Zephyr yun! Suot niya na naman ang itim lahat na damit na yun nung nasugatan siya kahapon.

Bakit siya nasa labas sa oras na ito?(Author: Yan din tanong ko sayo?)
Sino yung hinahabol niya? Bakit niya ito hinahabol? Ito ba yung taong dahilan ng sugat niya sa braso?

Namalayan ko ang sarili kong humahabol kay Zephyr. (Author: Umiral na naman pagkatsismosa mo! Para kang mga kapitbahay namin! Di mapapakali hanggang di nalalaman ang kwento ng buhay ng ibang tao!)

(Ako: Baka masugatan uli yung tao! Tutulungan ko lang!)

Nahagip nang paningin ko ang nadaanang tinitindang panakip ng mukha para sa mga babae.

Kahit na nakalugay ang buhok ko ngayon at may kolorete ang mukha... Mabuti na yung masiguro kong hindi niya ako makikilala kung saka-sakali.

_________________€€€€________________

Nagulat ako nang may biglang humablot sa akin sa likod at tinakpan ang bibig ko. Tinangka ko itong itapon sa lupa subalit masyado itong malakas.

"Sino ka? Bakit mo ako hinahabol?", mahina nitong bulong sakin.

Si Zephyr! Tumigil ako magpumiglas nang makilala ang boses nito.

Hindi ako maaaring magsalita. Baka makilala nito ang boses ko.

"Andito lang yun sa paligid!!!"

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Zephyr sa akin. Tensyonado ang katawan nito.

"Siguraduhin niyong mahuhuli niyo ang taong yun! Hindi pwedeng mabulilyaso ang mga plano natin nang dahil sa kanya!"

Sino ba ang mga taong ito? Ano ba ang atraso ni Zephyr sa kanila?

Naramdaman kong palapit na sa amin ang isa sa mga ito.

"Andito ka lang pala--"

Agad naman itong sinipa ni Zephyr. Hinatak ako nito palabas ng eskinita at tumakbo.

"Habulin nyo sila!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano karami ang kalaban. Kayang-kaya namin ang mga ito kung isa-isa lang sila susugod. Pero kung sabay-sabay sila ay siguradong mahuhuli kami at mabubugbog.

Natagpuan namin ang mga sarili namin na nasa Pier at napapaligiran nang mga humahabol sa aming tao.

Itinago ako ni Zephyr sa kaniyang likuran at nilabas ang kaniyang espada. Sa likuran namin ay ang malawak na dagat.

"Sumuko na lang kayo..." nakangiting udyok ng isa sa mga lalakeng humahabol sa amin. "Papahirapan niyo pa ba ang sarili niyo? Halata namang matatalo kayo!"

Tama ang lalake. Pero ang hindi niya alam...ay meron pa kaming isa pang pagpipilian.

Hinila ko ang damit ni Zephyr. Kunot-noo itong napatingin sa akin.

Itinuro ko ang dagat. Lalo lamang kumunot ang noo nito. "Anong..."

Shunga-shunga din tong mokong na'to. Di makuha yung ipinapahiwatig ko!

Nanlaki ang mga mata nito nang hilahin ko siya at tumalon nang dagat. Nagkatinginan kami sa mata.

Labis na pagkatakot ang nakita ko sa mga mata nito...

Huwag mong sabihing...hindi ka marunong...

Kung Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon