Chapter 12

12 0 0
                                    

Nakita kong inikot ni Zephyr ang mata nito sa buong kusina. Mukhang may hinahanap ata ito.

Ako kaya hinahanap niya?

Nagsalubong ang mga tingin namin. Agad kong iniwas ang tingin dito at nagkunwaring kumakain.

Naramdaman kong palapit ang mga yabag nito sa akin. Napapikit ako sa pag-aakalang sa akin ito lalapit at sasabihing ako ang babaeng nagligtas sa kaniya kanina.

Subalit bigla itong lumampas sa akin. Panay ang tingin nito sa mukha nang mga kusinera. Agad namang namumula ang mga mukha nang nilalapitan nito.

Lalandi niyo ha!!! Mana kayo sa Author!

(Author: Nagsalita yung hindi... sino kaya yung nagkaroon nang unang... buga kanina...???)

Sino ba naman kasing hindi mamumula sa ginagawa niya. Nilalapatin niya ang mga mukha ng bawat kusinera tapos tinitingnan ang mga mata nito.

Hindi kaya nakilala niya yung suot kong damit? Uniporme nga pala yun ng mga kusinera dito!!!

Marahil hinahanap nito ang babaeng nakasama niya kanina!!!

Makaalis na nga ako dito...at baka maisipan pa ako nitong lapitan at malaman pa niyang ako yung hinahanap niya!!! Lagot ako sigurado.

_________________€€€€________________

Dahan-dahan akong pumasok sa silid. Mahimbing na ang tulog ni Zephyr.
Napabuntung-hinga ako habang nakatingin sa mukha nito.

Napakaamo ng mukha niya pag natutulog. Isang ngiti ang sumilay sa labi ko...sabay napahawak ako sa aking mga labi...

Piniling ko ang ulo ko.

Anong nangyayari sayo, Ariadne? Maghulos-dili ka! Anong nakakangiti sa unggoy na yan???

Nahiga na ako para matulog...subalit hindi ako dalawin ng antok!

_______________€€€€_________________

Napabalikwas ako ng bangon. Tinanghali ako ng gising!!!

Kasalanan talaga to ng mokong na yan! (Yung unggoy na kasalukuyang ang himbing pa rin ng tulog sa kama niya) Nang dahil sa kanya... hindi ako dinalaw ng antok kagabi!!!

Kailangan ko nang maligo! Maya-maya'y siguradong magigising na si Zephyr! Magsusungit na naman sigurado ang mokong na yun!

Dali-dali akong naligo. Nang matapos na akong maligo ay nalaman kong naiwan ko pala ang bihisan ko sa labas ng banyo!

Gising na kaya si Zephyr? Mahuhuli nya kaya ako kung lalabas ako ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya? Anong gagawin ko author!!!???!!

(You cannot reply to this message or conversation.)

Waaaah!!!

Dali-dali akong tumakbo palabas ng banyo. Nanlaki ang mata ko nang makitang bumabangon na si Zephyr sa kaniyang kama!!!

Anong gagawin ko!!!???

Mabuti na lamang at agad kong nahablot ang tshirt ko at naisuot ito kaagad. Pagkatapos ay nagkunwari akong nakaharap sa salamin at nagsasalamin.

Napadaan si Zephyr sa likuran ko. Tumango ako dito bilang pagbati na parang wala lang. Parang normal lang.

Nakita kong pumasok ito sa banyo.

Nataranta ako. Nasa ibabaw pala ng higaan ko yung pambalot ng dibdib ko!! Pati yung panty ko!!!

Nakita kaya ito ni Zephyr???

Tarantang itinago ko ito sa ilalim ng higaan ko.

Bumalik ako sa pananalamin nang makitang lumabas si Zephyr ng banyo.

Ito ang pangalawang pagkakataong nakita kong bagong gising si Zephyr(nung nasugatan siya saka ngayon). Subalit ito yung unang pagkakataon kong nakitang nakalugay ang mahaba nitong buhok.
Kahit magulo ang buhok nito ay hindi nabawasan ang kagwapuhan nito.

Nagmukha lang itong brusko.

Nakakunot-noong napatingin sa akin si Zephyr. Marahil ay napatagal ang pagtitig ko dito.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at kumilos para padaanin siya sa likod ko. Subalit pareho pala kami gumilid kaya nagkabanggan kami at nawalan ng balanse ang katawan ko.
Napasubsob ako sa katawan ni Zephyr.

Natukod ko ang mga kamay ko sa dibdib niya. Ang buhok kong kanina'y nakatali ay biglang nalugay. Baka napigtas ang tali kaninang pagladapa ko.

Lubdub! Lubdub! Lubdub!

Hindi ko alam kung kaninong tibok ng puso ang naririnig ko. Kung sa akin ba o kay Zephyr. Nakabibingi ang tunog nito.

Bakit parang may sumusundot sa tiyan ko?

Nanlaki ang mga mata ko nang maunawaan kung ano ang bagay na yun!

Yaaah!!! Wala sa loob na nasuntok ko ito sa tiyan!

Pagkatapos ay pasimple kong kinuha ang bihisan ko at pumasok sa banyo.

Naiwan si Zephyr na namimilipit sa sakit at hindi alam kung ano ba ang naging kasalanan niya.

Kung Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon