Chapter 4

16 0 0
                                    

"Huwag mo akong hawakan!", bulyaw sakin ni Zephyr habang sinusubukan ko siyang tulungang gamutin ang bukol na natamo niya sa paghampas ko kanina sa kanya sa ulo. "Lumayo ka sa akin! Baka tusukin kita ng espada ko!"

Sungit naman nito! Siya nga itong nanghihimasok ng kwarto nang may kwarto!!!

"Anong ginagawa mo sa silid ko?", seryoso nitong tanong. "At bakit mo ako hinampas ng kawali??"Nakakunot ang noo nito habang ginagamot ang bukol sa ulo.

Di ko maiwasang sabayan siya sa pagngiwi.
Napatingin ako sa hawak kong kawali. Bakit nga ba may kawali sa kwartong ito??
Teka lang... Di ba siya tong nanghihimasok??? Bakit siya tong nagagalit??!!!

"Para malaman mo...kwarto ko to!", buong kumpyansa kong sagot.

Lalong nagdilim ang mukha nito sa narinig. "Kailan mo pa naging kwarto ito???"

"Kanina...Nasira ang higaan ko sa dormitoryo. Kaya b-binigay to sa akin ni Artemius. Dito na daw ako---"

Di ko na natapos ang sinasabi ko dahil pagkarinig nito ng pangalan ni Artemius ay agad itong lumabas at pinuntahan ang nasabing lalake.

__________________"""_________________

Parang gusto ko nang lamunin ng lupa mula sa kinatatayuan ko...

Ito pala talaga ang silid ni Zephyr. Doon pala ako pinatulog ni Artemius dahil yun ang may pinakamalaking kwarto na maaaring matulog ang dalawang tao.

"Kung talagang gusto mo siyang tulungan...doon mo siya sa silid mo patulugin!!" nanggigil na saad ni Zephyr.

"Alam mo namang maliit lang ang aking silid. Kung ililipat mo ako sa malaking silid ay isasama ko si Ares", sagot naman ni Artemius dito. "Pansamantala lang naman habang ginagawa pa ang kanyang higaan. Meron ka namang mahabang upuan sa malapit sa bintana. Pwede mo siya dun patulugin. Ginagamit mo lang naman iyon kapag nagbabasa ka."

Hinablot ni Zephyr ang kwelyo ni Artemius. "Alam mong hindi ako sanay na may kasama na estranghero sa aking silid."

"Subalit hindi naman estranghero si Ares. Isa na siyang kaibigan.."

"Ayos lang ako", singit ko. Baka ako pa ang maging dahilan ng pag-aaway ng magkaibigang ito. Mukhang wala pa namang ibang kaibigan ang supladitong ito bukod kay Artemius. "Doon na lang ako matutulog sa sahig ng dormitoryo."

Kahit na kinasusuklaman ko ang ideya... Siguradong kukulitin na naman ako nung kasamahan kong kumakamot sa pwet at nangungulangot na tumabi sa kanya.

"Pero malamig ang sahig", kontra ni Artemius. "Baka magkasakit ka!!"

Bumaling ito kay Zephyr. "Pag nagkasakit ba si Ares, aalagaan mo ba siya o hahayaan mo na lang siya mamatay?"

Saglit na nag-isip si Zephyr. Bumuntung-hinga muna ito nang malalim bago nagsalita. "O, sige!", anito habang nakakunot ang noo. "Pero pansamantala lang! Kapag may higaan ka na...aalis ka na agad!"

"Naku! Mabilis pa sa alas-kwatro! Kala mo naman gugustuhin kong kasama nang matagal ang asungot na kagaya mo!!!"

Ang gusto kong sabihin...pero syempre di ko sinabi yun!!!

"Maraming salamat, kaibigang Zephyr sa iyong kabutihang-loob!!!", ang sinabi ko. May sarili ditong banyo! Kailangan ko magpakabait!!!

"Huwag mo kong matawag-tawag na kaibigan!!!", masungit nitong sabi.

Di ko maiwasang itirik ang mga mata ko. Antipatiko!!!

"Andito pala yung hinahanap kong kawali!!", singit ni Artemius. "Pinapasoli ito sakin nung tagapagluto sa kusina. Dito ko pala naiwan!!"

Dahil dun...nagtamo si Artemius ng isang bukol sa ulo dahil kay Zephyr.

Ang alamat ng kawawang kawali...bow!!!

Kung Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon