Chapter 17

6 0 0
                                    

Nagsisisi talaga ako kung bakit pa ako sumama manood ng Cirko!!!

Pagkatapos ng araw na yun ay iniwasan kong makita at makausap si Zephyr. Kapag masasalubong ko siya o makikita ay umiiwas agad ako.

(Author: Di ba dati naman kayong di nagpapansinan? Anong bago dun?)

(Ako: Di ba nga nagiging close na sana kami nung nakaraan!?!)

(Author: Ikaw lang naman nag-aassume na close kayo!!)

(Ako: E kasi kwento ko to! Tong Author na 'to...Muntik na maniwala yung readers sakin e! Manahimik ka na nga Author!)

Subalit sa nakatakdang-araw na napag-usapan ay di na ako nakaiwas. Si Zephyr mismo ang humarap sa akin.

"Andres!", narinig kong tawag ni Zephyr sa akin.

Itong mokong na to sabi kong Ares ang pangalan ko e!

Matalim ang mga titig na napatingin ako dito. Nakakunot naman ang noong tumingin ito sa akin.

"Marunong ka na ba mangabayo?"

Ako naman ang napakunot ang noo. "H-hindi pa."

Mukhang aasarin na namn ako nito sigurado.

"Kung ganun mamayang gabi...tutulungan kita matuto. Tuturuan kita."

Napakagat ako ng labi. Mukhang hindi ko na talaga maiiwasan pa ang sitwasyon. Pasasaan ba't kailangan ko ring tuparin ang pinangako ko kila Meneses. Bakit di ko na lang gamitin ang pagkakataong ito!

"Sige. Mamayang gabi...magkita tayo sa ganitong lugar sa ganitong oras." Seryoso kong saad.

Patawad Zephyr! Kailangan ko lang talaga itong gawin!

_________________€€€€________________

Sa nakatakdang oras, nauna na ako sa napag-usapang lugar. Naroon na rin sila Meneses at Horje.

"Nandito na ba lahat ng lider ng grupo ninyo?" Tanong ko kay Meneses.

"Oo. Handa na silang makipag-usap kay Zephyr."

Hindi ko alam kung bakit si Zephyr ang kailangan nilang makausap. Marahil ay dahil pinuno ito ng mga kawal.

"Sabi ko na nga ba at ikaw lang ang may kakayahang gawin ang misyong ito!" Tuwang-tuwang saad ni Meneses.

Nakakunot ang noong tiningnan ko ito. "Tinutukan ba naman ninyo nang espada yung leeg ko!" Sarkastiko kong saad.

Napayuko si Meneses. Mukhang nakokonsensya ito. "P-pasensya ka na, Ares! Hindi naman talaga namin gustong gawin to. Kaya lang wala talaga kaming choice!"

"Lahat nang ginagawa natin Meneses. Lagi tayong may ibang choice! Depende lang sa atin kung ang magiging choice natin sa huli. Kung Tama ba O yung Mali!"

Nanlaki ang mga mata ni Meneses nang maglabasan ang opisyal na mga kawal ng palasyo. Pinaligiran nila kami.

"P-paanong..?" Hindi makapaniwalang saad ni Meneses. "N-nasan na yung mga bantay sa labas?"

Nakangiting pumasok si Artemius. "Nahuli na rin namin! Huwag ka mag-alala. Mamaya makakasama mo na sila."

"A-Ares! Paano mo nagawa sa amin ito? Tandaan mo...may pinirmahan ka sa aming dokumento!"

"Kainin nyo pa yang dokumento nyo!" Natatawa kong saad. Lumapit si Artemius sa akin at nag-high five.

"Good job, Ares!"

Kinindatan ko pa ito.

Kung Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon