Chapter 9

13 0 0
                                    

Di ko maiwasang mailing habang inaalala ang nangyari kanina.

Lokong yun! Hindi man lang nagpasalamat sakin...

(Kaliwang Konsensya: Hindi ba dapat ikaw ang magpapasalamat sa kaniya kasi kung tutuusin...niligtas ka na niya sa malaking mama na yun kanina?
Kanang Konsensya: Bakit ikaw ang magpapasalamat? Kung hinayaan ka na lang niya sana tamaan nung mangkok, di sana di na umabot pa sa ganun ang away...
Kaliwang Konsensya: Kahit na... hindi pa rin niya hinayaang masaktan ka...at napatahimik niya rin yung nagagalit na malaking mama...)

Piniling ko ang ulo ko.

Tama na! Pati ba naman mga konsensya ko nakikipag-away sa akin? Tama nang yung Author lang ang laging nakikipag-away sa akin...

(Author: Nananahimik ako dito uy!!!)

"Ares!"

Naputol ang pag-iisip ko sa pagtawag sa akin ni Meneses.

"Ano yun?"

"Gusto mo bang sumama sa amin ni Horje sa bayan mamayang gabi?" Bakas ang pagkasabik sa boses nito.
Si Horje ang isa sa mga kapwa nagsasanay na kawal na naging kaibigan namin ni Meneses.

"Nagpaalam ka ba?" Nasasabik ako sa ideyang makapunta sa bayan! Unang pagkakataon kong makikita ang bayan ng Armania kung saka-sakali.

"Bakit ako magpapaalam? Hindi naman tayo papayagan kahit magpaalam tayo!!!"

"Nababaliw ka na ba?" Di ako makapaniwala sa iminumungkahi nito. "Di mo ba alam na bawal sa ating mga nagsasanay pa lang na kawal ang lumabas ng kampo nang walang paalam? Lalo na sa gabi.."

"Mapaparusahan lang naman tayo kung magpapahuli tayo...", singit ni Horje. "Isa pa...ngayon magsisimula ang palabas ng Cirko. Isang beses sa isang taon lang yun kung pumunta sa bayan kaya di natin pwedeng palampasin ang pagkakataong ito."

Namilog ang mga mata ko. Cirko!!!!
Maliit lamang ang kaharian namin kung kaya't hindi ito pinupuntahan ng grupo ng mga nagsi-Cirko. Kung sakali...ito ang kauna-unahang pagkakataong makakapanood ako nang ganito.

"Ano? Sasama ka ba?"

Parehong nakatingin sa akin sila Horje at Meneses. Naghihintay nang aking magiging sagot.

Bumuntung-hinga muna ako. "H-hindi ako sasama."

Bukod sa takot ako maparusahan ay kailangan ko rin tingnan ang sugat ni Zephyr kung ito ba'y na-impeksyon.

"Bahala ka. Basta kami magsasaya kami mamaya!!"

Di ko maiwasang mainggit sa kanila. Kaya lang baka palayasin ako ni Zephyr sa kwarto niya kapag nalaman niyang nasasangkot ako sa mga ganitong kalokohan.

_________________€€€€________________

Pagkatapos ng pagsasanay ay dumiretso ako sa kwarto. Gaya ng inaasahan, dinatnan ko si Zephyr na nagbibihis.

Nakakaramdam pa rin ako nang pagkailang kapag nakikita ko ang katawang-lupa nito. (Ang kisig kasi!!!!)

(Author: I know right!!!)

(Ang landi mo Author ha?!)

(Author: Kashe nemen...)

Saglit itong natigilan sa pagbibihis nang makita ako.

Alam ko sasabihin nito!

Himala? Maaga kang umuwi ngayon?

Subalit himalang nanahimik lamang ito at nagpatuloy sa pagbibihis.

Napansin kong nahihirapan itong ipasok ang damit sa bandang braso na may sugat.

"T-tulungan na kita..."

Akmang lalapit ako para tulungan si Zephyr subalit laking gulat ko nang itulak ako nito palayo.

"Awww!" Napangiwi ako dahil sa braso kong tinamaan ng tray ako naitulak ni Zephyr.

Inangat ko ang manggas ng damit ko at nakita ko ang malaking pasa na bakas nang pagkakatama dito nung tray.

Naramdaman kong hinawakan ni Zephyr para tingnan ang braso ko. Tuluyan na itong nakabihis.

"Di ba sabi ko sayo...limang metro dapat ang layo mo lagi sa akin!!" Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa pasa ko.

Nagsalita! Eh ikaw nga 'tong lumapit sa'kin! Hawak mo pa ngayon ang braso ko.

Umalis itong saglit. Maya-maya ay may dala na itong maliit na bote ng langis. Agad itong pinunas sa pasa ko.

"Ginawa ito nang isang magaling na manggagamot kaya epektibo ito para mabilis na mawala ang mga pasa." Pagkatapos ay ibinigay sakin ang bote ng langis. "Ibahid mo nang dalawang beses sa isang araw."

Di ko alam kung bakit bigla akong namula. Nakasalikop kasi ang mga kamay ni Zephyr sa mga kamay ko. Ramdam ko ang init ng mga kamay nito.

Naramdaman din ata nito ang aking pagkailang kung kaya't parang napapaso nitong tinanggal ang mga kamay palayo sa akin.

"S-salamat", mahina kong usal.

Bigla kong naalala kung bakit ako umuwi nang maaga! Susubukan ko nga palang magpaaalam kay Zephyr.
Kahit wala akong ideya kung ano ba talaga ang katungkulan nito sa kampo, alam kung may mataas itong posisyon.

Naalala ko nang una kaming magkakilala ay tinawag ito ni Artemius na pinuno. Subalit pagdating sa kampo ay wala ni isang nakakakilala sa kanila. Bihira ko din silang makita. Maliban na lamang kapag sumisingit-singit si Artemius para mag-obserba o magturo sa pagsasanay. Pero bihirang-bihira ito. Napakamisteryoso ng dalawang ito...

Kung tama ang hinala ko na mataas ang posisyon ni Zephyr... hindi ako mapaparusahan kung papayagan ako nitong lumabas. Isa pa...tinulungan ko siyang itago ang kaniyang sikreto kaya papayagan niya ako sigurado bilang pagtanaw ng utang na loob...di ba?

Napatingin ako kay Zephyr na kasalukuyang nagbabasa sa kanyang kama.

Naramdaman ata nito ang aking pagtitig kung kaya't napatingin rin ito sa akin.

Napapikit ako nang binigyan ako nito nang matalim na tingin na wari'y sinasabing "Mawala ka sa paningin ko!"

Bagsak ang mga balikat na lumabas ako sa kwarto...

Baka nagpapaalam pa lang ako dito ay parusahan na agad ako... Bwiset na lalaki to! Wala man lang pakinabang sa buhay ko!

Habang naglalakad-lakad sa paligid ng kampo ay isang malaking kahon ang nakakuha nang atensyon ko. Agad kong tinanong ang lalakeng nakabantay dito.

"Mawalang-galang na...pero...para saan ba yan?", usisa ko.

"Ah ito? Yan yung suplay ng damit ng mga tagapagluto ng kampo. Kadarating lang ngayon. Hinihintay ko nga yung mga taga-kusina para kunin. Kanina pa...ang tagal..."

Naawa naman ako sa lalake. Yung itsura...mukhang natatae...(Author: Natural niyang mukha yan uy!)

(Ako: Ay ganun ba....?)

"Kung gusto mo ako na lang magbabantay nito?" Pagboboluntaryo ko. Umiral na naman yung pagiging mabait ko...

(Author: Kanina lang nilalait mo yung tao...hoy!)

(Ako: Pabidang Author to! Ako nagkukwento uy! Gumawa ka rin sarili mo istorya..yung ikaw bida!)

"Ganun ba? Napakabait mong tao...ginoo!" (Tingnan mo Author kahit si Manong...sumasan-ayon na mabait ako!)

Masayang umalis si Manong. Mukhang itutuloy na yung pagtae.

Haaay...gustong-gusto ko talagang manood ng Cirko sa bayan!!!Kaya lang takot akong maparusahan...baka mabuking pa nila na babae ako kung sakali....

Napatingin ako sa kahon...
Hmmmm....kung mga damit ito nang tagapagluto...malamang mga damit itong pambabae...

Kumislap ang mga mata ko!!! Mapaparusahan ako kung si Ares ang lalabas... pero kung si Ariadne ang lalabas..

Kung Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon