Chapter 2

20 0 0
                                    

Di ko maiwasang mangiti...
Ang tali-talino ko talaga! Nagawa kong makatakas sa aking kapalarang maging isa sa tatlong-daan animnaput-limang asawa ng matandang huklubang hari. At ngayon...gagawin ko pa ang isang bagay na matagal ko nang pinangarap...ang maging kawal at makipaglaban sa digmaan!!!

Saglit kong inobserbahan ang dalawang lalakeng nagpakilala bilang mga kawal ng Armania. Sa kalidad ng mga suot nito ay hindi basta-basta ang mga posisyon nito. Maging ang kakahayan nitong makipaglaban ay kahanga-hanga.

Ang ikalawang lalake na nagpakilala sa pangalang Artemius ay mukhang masayahin at palakaibigan. Kabaliktaran nung isa, na sabi ni Artemius, ang pangalan daw ay Zephyr.

Napatingin ako kay Zephyr. Hindi sinasadyang nagsalubong ang mga mata namin. Tiningnan ako nito nang matalim. Agad kong iniwas ang paningin ko.

"Anong problema nun?" Naguguluhan kong tanong kay Artemius.

"Hayaan mo lang siya. Hindi niya kasi matanggap na meron na siyang katapat! Wala pa kasing nilalang na kaya siyang ihulog sa kabayo nang walang kahirap-hirap na kagaya mo."

Napansin kong nakatitig sa akin si Artemius.

"Bakit?" Taka kong tanong.

"Pasensya ka na ha?" Alangan nito g saad. "Ngayon lang kasi ako nakakita ng lalake na kasing-ganda mo! Kung magdadamit ka sigurong babae...baka pwede kang mapagkamalang prinsesa!"

"Nababaliw ka na ba??" Kunwaring galit kong saad. "Iniinsulto mo ba ang pagkalalake ko!!!"

"B-biro lang.."

Hindi ko maintindihan kung bakit pamilyar sa akin ang kaniyang pangalan. Saan ko ba narinig ang pangalang yun?

"Maligayang pagdating, sa aming mahal na kahariang Armania," buong galak na saad ni Artemius. "Ano nga pala pangalan mo?"

Sinabi ko sa kaniyang isa lamang akong hamak na manlalakbay na naghahanap ng lugar na matitirhan nang masalubong ko ang bandido sa gitna ng aking paglalakbay.

"Ako nga pala si A--", saglit akong natigilan. Muntik ko pang masabing Ariadna... ang aking tunay na pangalan. "Ares..Ares ang pangalan ko."

"Magpalista ka na doon sa mga nakapilang kawal. Bukas ay magsisimula na ang ating pagsasanay!"

Nakumbinsi ako nitong pumasok bilang kawal. Libre ang tirahan pati pagkain!!!

Hindi ko mapigilang masabik sa mga mangyayari sa hinaharap....

________________€€€___________________

Gaya ng sinabi ni Artemius...nagsimula nga ang pagsasanay ng sumunod na araw. Naging una kong problema ay ang tulugan.

Hindi ko akalaing matutulog pala kami sa iisang malaking dormitoryo. Limampung kalalakihan ang kasama ko sa iisang kwarto. At iisa lamang ang paliguan.

Alam kong hindi ko maiiwasan ang sitwasyon, pero ngayong araw ay hindi muna ako naligo.

Marubduban agad ang naging pagsasanay namin. Sinimulan namin sa pagsusuot ng mabibigat na baluti. Halos hindi ako makalakad...ngunit nagawa ko rin. Tumakbo...gumulong sa putik...dumapa...lahat ginawa namin ng suot ito. Si Artemis ang nagsasanay sa amin.

Pagdating ng tanghalian, naranasan kong kumain na parang lalake. Masarap pala kumain ng hindi alintana ang kagandahang-asal sa hapag-kainan.

Malaya akong nakakain. Ang sarap pala talaga maging lalake!!!

Naramdaman kong tumabi si Artemius sa akin. Nagulat ako nang pinunasan nito ang gilid ng labi ko gamit ang kanyang kamay.

"Para kang yung nakababata kong kapatid kung kumain!", nakangiti nitong saad.

Di ko alam kung bakit ako namula sa ginawa nito.

"Zephyr! Tapos ka na agad kumain?", narinig kong sabi ni Artemius.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita na nasa harap ko pala kumakain si Zephyr.

--------Flashback: Author's POV---------

Namimilog ang mata ni Ariadna sa dami ng pagkain na nasa kanyang harapan. Kahit kailan kasi ay hindi siya pinayagang kumain ng ganito karami. Baka wala na daw gustong mapangasawa siya kapag tumaba siya kaya kapiranggot lang lagi pinapakain sa kanya.

Inikot niya ang kaniyang paningin para maghanap ng mauupuan. Isang bakanteng mesa ang kaniyang nakita. May isang piraso lamang ng plato ang nandun subalit wala ng tao.

Dali-dali niya itong tinungo, agad naupo at kumain. Sa sobrang sarap ng pagkain niya ay di niya napansin ang isang lalake na naupo sa kabilang bahagi ng mesa. Kumuha lamang ito ng tubig subalit hindi pa ito nagsimulang kumain. Nakilala niya ang kaharap subalit pinili na lamang niyang kumain ng tahimik.

Nakita niyang hinalo ng kaharap ang sabaw at kanin. Pagkatapos ay pati yung ulam. Di niya maiwasang maduwal sa nakikitang tanawin.

--------End of Flashback---------

"Nawalan na ko ng gana...", malamyang saad ni Zephyr.

"Pero marami pa yung laman ng plato mo.", habol ni Artemius dito.

"Akin na lang? Gusto mo?", sabad ko. Sayang nun!!!

Agad namang kinuha ni Artemius yung plato at binigay sakin. "Oo sige!"

Naiiling na umalis si Zephyr. Habang ako naman ay pumupuso pa ang mga mata sa kasiyahan!!!!

Maraming-maraming pagkain!!!!

Kung Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon