Chapter 14

7 0 0
                                    

"Ayos ka lang ba, Ares?", nag-aalalang tanong ni Artemius sa akin. Nagpasya si Zephyr na dalhin ako sa doktor kahit na sinabi kong okay naman ako.

Kinapa ni Artemius ang mukha ko. "Wala namang masakit sayo?"

Tinanggal ni Zephyr ang kamay ni Artemius sa mukha ko at hinila ito palabas ng klinika.

"Narinig mo naman yung sinabi ng doktor di ba? Wala namang problema sa katawan niya. Bukod doon sa maliit na sugat. " Narinig kong sabi ni Zephyr kay Artemius. "Ang kailangan niya ay magpahinga. Kaya halika na at huwag na natin siyang istorbohin!"

Nangiti ako. Hindi ko alam kung nagsisinungaling lang ang mga mata ko. Pero kaninang tinitingnan ako ng doktor ay bakas ang pag-aalala nito.

Pagkaalis nila Zephyr ay lumapit sa akin ang doktor na si Doc Rajo. Matanda na ito subalit mukhang maliksi pa ang utak at galaw.

Tinitigan muna ako nitong maigi bago nagsalita. "Malamang ay alam mo na kung ano ang pag-uusapan natin ngayon." Seryoso ang mukha nito.

"Ah..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dito.

"Ano ang ginagawa ng isang binibining kagaya mo...dito sa kampo?"

_______________€€€€_________________

Dahil sa dami ng mga pangyayari nang nakaraang araw ay nakalimutan kong ngayon pala darating ang aking buwanang bisita!

Oo! Wala talaga akong sugat! Yung regla ko yun!

Nahihiya pa rin akong isipin na nakita ni Zephyr na may tagos ako! Pero hindi yun ang pinakaproblema ko ngayon!

Napatingin ako kay Doc Rajo na kasalukuyang naghihintay ng sagot ko.

Ano bang sasabihin kong palusot dito!???

Isang ideya ang pumasok sa isip ko. Mag-aacting mode ako! Ito yung madalas kong strategy sa Amang Hari kapag may kasalanan ako.

"U-ulila na po kasi ako at walang matutuluyan. Wala rin po akong skills at pinag-aralan kaya ito lang ang naisip kong paraan para mabuhay."

(Author: Ang galing gumawa ng kwento! Pwede na maging Author!!)

(Ako: Ganun talaga! Pag nabuking ako... Ending na agad tong kwento mo!)

Tinitigan uli ako ni Dok. Hindi ko mawari kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Pero parang di siya naniniwala sa akin...

Nagulat ako nang ngumiti ito. "May naaalala ako sayo...alam mo ba?"

Naguguluhan akong napatingin dito.

"Kagaya mo...hindi siya katulad ng ibang normal na babae. Palalampasin kita kasi kamukha mo siya. Basta mangangako kang hindi ka magpapabuko at ipapahamak mo ang sarili mo."

Yun lang at nakangiti itong umalis. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakalusot ako nang ganun kadali....

Kung Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon