Chapter 15

7 0 0
                                    

Binigyan ako nang dalawang araw ni Dok Rajo para magpahinga. Pinagbawalan niya muna akong masanay.

Dahil dito ay buryong-buryo ako sa maghapong nakamukmok. Pero buti na lang din kasi hindi rin naman ako makakilos at makakain nang maayos dahil sa sakit ng puson ko!

Sa isang buwan na pagpapanggap ko bilang lalake ay halos nakalimutan ko nang babae pala ako! Buwiset na regla to...ipinaalala pa sa akin...

Kasalukuyan ako noong kumakaing mag-isa dahil nagsasanay pa ang iba kong mga kasamahang kawal.

"Tapos ka na bang kumain, Ares?" Si Artemius ito. May dala itong tray ng pagkain. "Pwede ba kami tumabi sayo?"

Wala sa loob na napatingin ako sa likod nito. Di ko alam kung ano ba ang ineexpect ko. Pero parang nakalimutan ko yung sakit ng puson ko nang makita ang gwapong mukhang nakasunod kay Artemius. Di ko alam kung bakit ako napangiti.

"Halikayo!"

Naupo si Artemius. Sa harap ko naman naupo si Zephyr.

"Maayos na ba pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Artemius.

"Oo! Gusto ko na nga sumali sa pagsasanay!"

Nakita kong napatingin sa akin si Zephyr subalit umiwas agad ito ng tingin.

"Bakit di mo ginagalaw ang pagkain mo?" Takang tanong ni Artemius. "Masakit ba tiyan mo?"

Well...actually...puson ko talaga yung masakit...

"H-hindi! Busog lang talaga ako kasi late na ako nag almusal kanina. Hehe." Wala talaga akong gana.

"Gusto mo ba subuan kita para marami makain mo?" Biro ni Artemius.

Natawa lang ako dito. Biglang sinipa ni Zephyr sa tuhod si Artemius mula sa ilalim ng mesa.

"Aray!" Napasigaw at napatingin si Artemius dito. "Bakit ba?"

"Oras na para magtrabaho." Anito sabay alis.

Naiiling na lamang na sumunod si Artemius dito.

__________________€€€€_______________

Kinagabihan, maaga akong nakatulog. Subalit nagising ako nang biglang sumakit ang puson ko. Namilipit ako sa sakit. Nakalimutan kong nasa sofa lang pala ako nakahiga kaya nahulog ako sa sahig.

Pagdilat ko ng aking mata ay nasa tabi ko na si Zephyr. Nakatingin ito sa akin. Nakakunot ang noo.

Humilab uli ang puson ko kaya napangiwi ako sa sakit.

Isang maliit na bag ang inabot sa akin ni Zephyr. Nanlaki ang mata ko nang makitang gamot ito pantanggal ng sakit ng puson. Pagkatapos ay inalalayan ako nito na bumangon at umupo.

"Dun ka na matulog sa higaan ko." Utos nito.

Nanlaki mata ko. "A-at bakit ako matutulog sa higaan mo?"

"Dun ka muna habang may dinaramdam ka pa. Para mabilis kang gumaling. At saka inumin mo na rin ang gamot mo."

Alam kaya nito na babae ako? Bakit itong gamot na ito ang binibigay niya sa akin?

Hinila ako nito papuntang higaan. "Dito ka na matulog!"

Tinanggal ko ang kamay nito sa pagkakahawak sakin. "Sinabi na ngang ayoko!" Tumaas na ang boses ko.

"Magpalit muna tayo ng higaan hanggang sa gumaling ka na. Huwag matigas ang ulo!" Mataas na rin ang boses nito.

Tinangka kong umalis subalit

"

Kung Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon