Chapter 22

5 0 0
                                    

Naiinis na binalibag ko ang pinto!

At talagang pinauwi talaga ako ng Zephyr na yun mag-isa!!! Pinaasa-asa niya pa akong sabay kaming uuwi...tapos nakita niya lang ang maharot na Zafyra na yun ay nakalimutan na niya ako!!!

At ano? Dun pa siya matutulog?!?

Teka lang...huwag mong sabihing tabi pa silang matutulog ngayong gabi!!!

____Ariadne's Wild Imagination____

"Zephyr..nilalamig ako...maari mo ba akong yakapin?" Malamlam ang mga matang saad ni Zafyra.

"Higit pa sa mga yakap ang kaya kong gawin---"

Waaaah!!! Pinunit ni Ariadne ang kaniyang imahinasyon.

Napatingin ako sa kahon na ibinigay sa akin ng Mahal na Hari.

Ano naman kaya ang laman nito?

Dahan-dahan kong binuksan ang kahon. Sabi ng hari ay isa daw itong kayamanan ng Kaharian dahil bigay daw ito sa kaniya ng yumaong Mahal na Reyna.

Nagulat ako nang makitang isang kwintas na may bughaw na dyamante ang nasa loob ng kahon.

Pambabae ito. Bakit ito ibinigay ng Reyna sa Hari?

May kasamang sulat sa loob ng kahon.
Ito ang nakalagay sa sulat...

Ito ay ang Heirloom ng aming pamilya. Ibinibigay ito sa mapapangasawa ng susunod na Hari.

At bakit sakin ito ibinigay? Bakit ba ako naiinis??

Inaatang ko sayo ang misyong tulungan si Zephyr na mahanap ang kaniyang magiging kabiyak. At kapag nahanap na niya ito, ibigay mo ito sa kaniya para ibigay sa kaniyang magiging reyna. Huwag mo itong ipapaalam kay Zephyr.

Mahal na Hari! SERYOSO???!! Sa akin mo pa talaga napiling ibigay ang misyong to?

Pakiramdam ko nagpira-piraso na ang puso ko hindi pa man dumarating ang panahong matutupad ko ang misyon na yun!!! Waaaahhh!!!! Hindi ko rin alam kung bakit ganito nararamdaman ko...

Maya-maya ay isa-isa nang tumutulo ang luha sa mga mata ko... Lumalakas na rin ang mga hikbi ko.

Bakit ba ako naiiyak?? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko nitong mga nakaraang araw!

Natigilan ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Agad kong itinago ang kahon at hinawakan ang espada ko.

Nagulat ako nang makitang pumasok si Zephyr sa kwarto.

Akala ko ba dun siya matutulog sa palasyo?

"Umiiyak ka na naman?" Nakakunot ang noo nitong saad.

Agad kong pinunas ang mga luha ko.
Nagsalita ang laging dahilan ng mga luhang ito!

"N-naalala ko lang kasi ang aking yumaong ama nung makita ko ang Mahal na Hari at ikaw.", pagsisinungaling ko.

Lumapit ito at pinunas ang mga natitira ko pang mga luha. "Magpahinga ka na. Gamitin mo yung higaan ko kung gusto mo para mahimbing kang makatulog."

Bakit ba parang nitong mga nakaraang araw panay ang volunteer nito sa higaan niya para sa akin?

"H-huwag na."

Napabuntung-hinga ito. "Masyado kaming maraming pinag-usapan sa pulong kanina. Mukhang kailangan ko nang harapin ang mga bagay na matagal kong iniwasan dati."

Nanlaki ang mga mata ko. Magpapakasal na ba ito kay Zafyra? Naririnig kong unti-unting nagka-crack ang puso ko.

Kung magpapakasal na si Zephyr... ititigil ko na ang pagpapanggap ko bilang lalake. Tutal nakilala ko naman ang mahal na Hari.

Sayang!! Di na rin pala masama kung siya ang napangasawa ko!!! Bakit pa ba ako tumakas-takas??? Sabi kasi nila matandang hukluban na daw ang Magiging asawa ko!!!

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Zephyr kapag nalaman niyang magiging Stepmother niya ako.

________Ariadne's Imagination______

"Inang Reyna." Nakayukod na bumati sa kaniya si Zephyr.

_________End of Imagination_______

Di ko maiwasang matawa sa napaka-weird na sitwasyong yun kung sakali.

"Anong iniisip mo??", takang tanong ni Zephyr.

"Magugustuhan kaya akong mapangasawa ng hari kung sakali???" Di ko namalayang nasabi ko na pala ng malakas ang iniisip ko.

Pinitik ni Zephyr ang noo ko.

"Hindi pumapatol sa kapwa niya lalake ang Amang Hari."
Hindi ko alam kung bakit namumula si Zephyr nang sinasabi niya ito.

Kung Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon