Chapter 23

4 0 0
                                    

Hindi ko maintindihan kung bakit ipinatawag lahat ng miyembro ng hukbo sa kampo.

Pinagsuot din kami ng damit na panlaban.

Sasabak na ba kami sa digmaan?!?

Umugong ang ingay nang lumabas si Zephyr. Naka uniporme din itong panlaban subalit may suot itong kapa na may simbolo ng Armania.
Napakagwapo nito sa suot nitong unipormeng pangprinsepe. Narinig ko na namang kumakabog ang puso ko pagkakita ko dito.

Mukhang nagulat din ang lahat na malamang isang prinsepa si Zephyr.

Oo! Kayo naman ang magulat ngayon. Ako kahapon na-Triple Kill ako sa mga rebelasyon tungkol dito.

"Ako, si Prinsipe Zephyr, ang nag-iisang prinsipe ng Armania, ay buong tapang na pangungunahan kayo sa pakikidigma sa Kaharian ng Ravenna na kasalukuyang sinasakop ang isa sa ating bayan sa Norte. Hangad ko ang inyong buong pagtitiwala sa aking kakayahan. Ipinapangako ko na uuwi tayong nakangiti at matagumpay!"

Napuno nang hiyawan at sigawan ang  buong kampo. Mukhang nakuha agad ni Zephyr ang loob ng mga ito.

Mukhang hindi lang ang loob ko ang nakuha nito... Natatakot akong aminin sa sarili ko at pangalanan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Isa-isang nag-alisan ang mga kawal para ihanda ang kanilang mga gamit pandigma. Pinasya kong dalhin ang kakarampot kong gamit sa iisang bag. Nandoon din ang ibinigay na kahon ng Mahal na Hari.

Nang nakahanda ang lahat ng mga kawal ay nakita kong pumunta sa unahan si Zephyr. Nakasakay ito sa kabayo. Nasa tabi nito si Artemius na nakasakay din sa kabayo. Pinangunahan nito ang hukbo.

Kung marunong din kaya akong mangabayo...nasa tabi rin kaya ako ni Zephyr ngayon?

Ipiniling ko ang ulo ko. Kahit nga yung mga matataaa ang posisyon na pinuno ay sa likuran lang ni Zephyr nakapwesto...ako pa kaya??

Malungkot kong ipinagpatuloy ang aking paglalakad.

__________________€€€€€______________

Halos buong maghapon na kaming naglalakad. Pagod na pagod na ako pero ang mga kasamahan ko ay parang di nakakaramdam ng pagod.

Gutom na rin ako. Kanin na ang tingin ko kay Artemius!

Napansin ata ito ni Artemius. Maya-maya'y lumapit ito sa akin.

"Umarte ka na natapilok at hindi mo na kayang maglakad." Bulong nito.

"Ha?" Kunot-noo kong tanong.

Simple nitong binato ang paa ko. "Aray!" Malakas kong sigaw.

Napatingin sa amin ang mga sundalo. Pati na si Zephyr.

"Ano? Natapilok ka at di mo na kayang maglakad?" Malakas na saad ni Artemius. "Halika! Dito ka na muna sumakay sa kabayo ko!"

Biglang nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nito. Buong-puso kong inabot ang kamay nito subalit biglang may humaltak sa akin at sinakay ako sa kabayo.

Bakit parang ilang beses na tong nangyayari sakin?

Di ko na ikinagulat nang makita si Zephyr sa harapan ko. Isinakay ako nito sa likuran niya.

"K-kay Artemius na lamang po ako sasakay Mahal na Prinsipe." Alangan kong saad dito. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga Pinuno at kawal.

"Dito na lang siya sa akin Artemius. Kinakailangan mong mauna sa lugar na pagkakampohan natin at maaabala ka kapag dalawa kayo."

Sinenyasan ko si Artemius na "Huwag mo akong iiwan dito Artemius...Parang awa mo na!"

Subalit kumindat lang ito sa akin at umalis.

"K-kaya ko na pala maglakad...Mahal na Prinsipe..."

Parang wala lang itong narinig na nagsabing, "Kumapit ka nang mahigpit at baka mahulog ka.."

Kailangan ko pa bang kumapit eh nahulog na nga ako...SAYO!!!!

Kung Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon