Chapter 25

6 0 0
                                    

Nakatulala akong naglalakad nang biglang lumapit sa akin si Artemius.

"Hoy!"

Bigla ko itong nasuntok sa tiyan at hinawakan sa ulo.

"Ako ito, ano ka ba?" Anito namimilipit pa rin sa sakit.

Agad ko itong binitiwan.

"Bakit ka ba nanggugulat? Masama pa naman akong magulat! Akala ko sayo kalaban!"

"Nakakatakot ka naman pala magulat!"

Sumabay ito sa akin maglakad.

"Artemius...pwede ba ako magtanong?" Alangan kong saad

"Oo naman!"

"M-may gusto ka ba kay Zafyra?"

Agad itong namula pagkabanggit ko lang ng pangalan ni Zafyra.

"B-bakit mo natanong?" Natataranta nitong saad.

"Hindi mo na kailangang sagutin! Halata naman ang sagot." Natatawa kong pang-aasar sa kaniya.

"Kung ganun ako naman ang magtatanong sayo. Ares..gusto mo ba si Zephyr?"

Natapilok ako sa sinabi nito

"A-anong pinagsasabi mo? B-bakit naman ako magkakagusto sa kaniya eh...Lalake ako!"

Ako naman ang namumula ngayon!Ano bang pinagsasabi nito.
Mataas ang taste ko sa mga lalake no?!!

"Uy! Zephyr!" Biglang sabi ni Artemius.

Akala ko ay nagbibiro lang ito. Subalit nagulat ako nang makitang papalapit nga si Zephyr.

Nahila ko bigla si Artemius at nagtago. Tinakpan ko ang bibig nito para di makapagsalita.

Nang makalampas na samin si Zephyr ay saka ko ito binitawan.

"Ano yun? Kung talagang wala kang gusto sa kaniya eh bakit ka nagtatago sa kaniya kanina?" Nang-aasar ang mga ngiti nito.

Tatapyasin ko na talaga ang bibig nito!

"Eh kasi uutusan na naman ako nun kapag nakita niya ako!" Palusot ko.

Itinirik nito ang mga mata.

"Hoy!" Biglang singit ni Zephyr.

Sa pagkagulat ko ay nasuntok ko na naman sa tiyan si Artemius.

"Bakit ako na naman?" Namimilipit at hindi makapaniwala nitong saad. "Hindi naman ako ang nanggulat sayo ha?"

"Eh alangan namang suntukin ko ang Mahal na Prinsipe eh di pinugutan agad ako ng ulo ng mga pinunong kasama niya!" Mahina kong bulong kay Artemius sabay alis.

Artemius that idiot. Why did he have to say it like that?

Mukhang kinumpirma lang ni Artemius ang kasalukuyan kong nararamdaman para kay Zephyr.
Kung hindi...bakit nga ba ako nagseselos kay Zafyra? Bakit ba ang lakas lagi ng kabog ng dibdib ko sa tuwing makikita ko si Zephyr?
Bakit ba laging hinahanap ng mata ko ang mukha niya?

Waaaah! Andito ako para makipagdigma pero bakit yung nararamdaman ko para sa kaniya ang inaatupag ko!

Mukhang kailangan ko munang umiwas kay Zephyr!

Kung Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon