Gia's POV
Ang ganda talaga ng pinapanood ko ngayon. Yun nga lang sa Biyernes na yung last episode neto... Ah,nga pala, katatapos ko lang isalaysay yung story nung past ko... Oo,andoon yung mga kapatid ko sa itaas,kasama ni Andrea...binabantayan nila yun... Bigla namang may tumunog sa labad ng gate,ah si Andrew pala... Nakalong sleeves siya ngayon,siyempre,galing sa office... Sinalubong naman niya ako ng halik...Pero hindi ko siya nagawang gantihan....
Andrew: Hal,magfafive years na tayong mag-asawa,pero bakit ang cold cold mo pa rin sa'kin!? Ano ba ang problema sa akin at hindi mo ako kayang mahalin!? May mali ba!?
Gia: Tandaan mo Mr.Saavedra, kinasal lang tayo dahil sa kasunduan ng mga magulang natin. Pinakasalan kita dahil kailangan ko itong gawin para sa kabutihan ng mga kapatid ko lalo na kay Drea.... Alam mo yan, Andrew...Kaya sana man lang ay naiintindihan mo ako....
Andrew: Gia,ano ba ang problema mo ha??!! Ano ba ang dapat kong gawin para mahalin mo rin ako?
Gia: Ako ba'y sinisigawan mo?!!! Andrew?!! Alam mo bang pinagsisisihan kong pakasalan ka!!! Kasi hindi ako masaya!!! Hindi!!!
Andrew: Pwes,bakit ka pumayag??!! Diba ayaw mo???!! Sana ginawan mo ng paraan!!! Hindi tong araw-araw na lang akong umaasa na mahilin mo!!!
Gia: Dahil yan yung utos sa akin ng mga magulang ko!!! Na siyang hindi ko dapat suwayin!!!At tuluyan na siyang lumisan sa aking harapan... Tama ba ang sinabi't ginawa ko sa kanya? Bahala na nga...
Jade's POV
Sa kasalukuyan,nandito kami sa kuwarto ni Andrea,pinapakain siya, siyempre,kadidischarge pa lang niya kaya kailangan siyang bigyan ng atensiyon.... Naaawa ako kay Andrea, naaawa rin ako kay Ate Gia. Kasi kailangan niyang pakasalan yung lalaking hindi niya naman ganoon ka mahal para lang sa kapakanan naming magkakapatid. Doon ko nalaman kung gaano niya kami kamahal,na kahit kaligayahn niya, handa niyang isakripisyo para lang sa amin.... Umalis na sina Jill,Tricia, at Ally sa silid at naiwan kami ni Andrea sa loob...
Andrea: Ate,sa tingin mo ba may pag-asa pa para gumaling ako sa karamdaman ko? Magtatagal pa ba ako? Tsaka mapapatawad at matatanggap pa rin kaya ako ni Ate Gia?
Malungkot na tanong niya sa akin. Kaya sinubukan kong palakasin ang kanyang loob.
Jade: Aba,siyempre naman! Magtatagal ka pa noh! Tsaka gagaling ka pa sa sakit mong yan. Kasi yung sakit mo,lilipas yan,gagaling ka pangako yan. Tsaka sigurado akong muli kang tatanggapin ni ate. Eh mahal ka niya eh! Sa tingin mo ba magpapakasal siya kay Kuya Andrew kung hidi para sa'yo? Kung hindi ka niya mahal? Bigyan mo lang siya ng panahon okay? Tsaka dapat laging positive..
Andrea:(napaluha)
Jade: Bakit bunso? May nasabi ba akong mali o masama?
Andrea: Wala naman po. Naalala ko lang po sa inyo sina Mom tsaka si Dad..
Jade: Bakit naman?
Andrea: Yun kasi yung sinasabi nila parati sa akin kapag nasa ospital ako. Always positive raw po dapat...
Jade: Hali ka nga rito... (Niyakap ko siya)Ang hindi nila alam ay nakatayo pala si Gia sa may pintuan at narinig ang bawat salitang binigkas ng kanyang mga kapatid. Nakonsensiya siya, pero sa tuwing nararamdaman niya ito, laging bumabalik sa kanya ang mga ala-alang nagdaan... Nagbihis agad siya at mag-isang pumunta sa inuman. Wala siyang kasama, hindi niya rin dinala ang kanyang sasakyan. Hindi rin siya nagpaalam kung saan siya pupunta...
Gia's POV
Gia: Waiter, pa order nga ng beer, 10 botilya...
Waiter: (tumingin sa tabi niya)
Gia: Anong tinitingin-tingin mo diyan ha?! Kung sa inaakala mong hindi kita babayaran,pwes, babayaran ko yan ngayon din,then keep the change!!! (Binayaran)
Waiter: Si-sige po mam...
Pagkatapos ng 20 minuto...Gia: "Hik" Wai "hik" ter, pa order pa nga "hik" ng 5 "hik" pa...
Waiter: Mmam, lasing na ho kayo..
Gia: Wawala "hik" akong paki "hik" alam!!!! Bigya "hik" an mo na lang "hik" kasi ak "hik" o...
Lalaki 1: Tol,tara yung babae lasing, kidnappin na natin...
Lalaki 2: Oo nga tol,mukhan mayayamanin...
Lalaki 3 : Oh,yes It an big catches!!
Lalaki 2: Tol,ano ka ba? It's a bigest catcher!!!
Lalaki 1: Alam niyo,pare-pareho lang kayo. Pa-english english eh, mali naman... It's a big catch!!! Yun yun mga tol...
Lalaki 3: Eh ano yun,malaking nahuli?
Lalaki 1: Bahala nga kayo sa buhay niyo basta malaking halaga yubg makukuha natin mula rito...Lalaki 1:Miss,akin na yung bag mo dahil kung hindi,alam mo kung saan ka huhukayin!!!
Gia: At sa "hik" aka "hik" la mo ay magpapa "hik" uto ako sa inyo ha? "hik"
Lalaki 2: Ah ganoon ah!!! (akma na sanang sasaksakin pero may biglang sumuntok)
Lalaki 4: Pare,huwag mo siyang kalabanin. Wala siya sa tamang pag-iisip. Ako ang harapin mo para patas tayo!!!
(Nagsuntukan sila hanggang sa nararamdaman na ng tatlong lalaki na matatalo na sila kaya sinaksak ng isa sa kanila si Gia,na dahilan ng pagkatumba niya at pagbuga niya ng dugo.)Lalaki: Miss,miss,dadalhin kita sa ospital, sandali lang...
Gia: Ssino ka??!!( Nanghihina)
Lalaki: Hindi na mahalaga iyan... Ang importante ay makaligtas ka...Kaya naman ay agad sinugod sa ospital si Gia at Nilagay sa Operating Room.
Jillian's POV
May paparating nanamang pasiyente.. Ah oo nga pala, isa akong surgeon dito sa isang sikat na ospital dito sa kalakhang Maynila... May nangyaring away daw sa isang bar, yun yung alam ko na naging sanhi na saksakin yung pasiyente. Pero bakit? Bakit bigla akong kinutuban ng palapit na ang pasiyente sa O.R. Ng namukhaan ko ang duguang babae,nagulat at hindi ako makapaniwala sa nakita ko... Oh My Gosh!!! Ate Gia!!!! No no no hindi maaari ito!!! Gagawin ko ang lahat para magigibg successful ang operation...Hindi ko siya hahayaang mawala.... At nagstart na nga ang operasiyon......
TBC...
Magiging successful kaya ang operation ni Gia? Sino kaya ang tatlong lalaking yun? At sino ba yung nagligtas sa kanya?
Please vote and feel free to suggest anything😘😘😘
BINABASA MO ANG
Bakit Ngayon ka lang Dumating? (glaigeoffXglaimarx)
RomanceBakit Ngayon ka lang Dumating? Ngayong may iba nang nag-aari ng puso ko? Ngayong hindi na ako malaya na mahalin ka? Dapat ko bang balewalain yung damdamin ko sa iyo? O dapat ko na ba siyang limutin at ipaglaban ka?