Franco's POVMarami na ang nangyayari... Muntikan nang mawala si Gia kanina... Yes...yung babaeng nagpatibok muli ng aking puso.... Pero Parang may mali eh... There is something suspicious about that Jillian girl... Kasi Hindi ko alam... Pero Mukhang Magkakilala na kami on the past kaso Bakit wala akong maalala? Ano ba ang nangyari? Bakit kung Parang tratuhin niya ako ay Matagal na kaming magkakilala? Hindi ko Nauunawaan... Basta't ang Alam ko lang na tinawag niya akong ''Tristan'' nung una niya akong nakita... Pero binalewala ko siya... At nung nagconfront na siya sa akin... pinakilala ko na ng aking sarili sa kanya Bilang si Franco. Halata sa kanyang mga mata ang pagkagulat... Bakit kaya? Kung tatanungin ko Kaya si kuya? Baka may alam siya...
Hanggang sa may Nakita siyang envelope. Kulay yellow ito at nakasara. Alam niyang pag-aari ito ng Kuya niya pero Baka naman may bagay na makakapagtulong sa kanya na hanapin ang kasagutan sa kanyang katanungan... At ito ang nakalagay....
Tristan Niel Javellana
Date of Birth: July 28 1994
Name of Mother: Esmeralda Montenegro Javellana
Name of Father: Antonio Castro Javellana
........
at iba pang detalye tungkol kay Tristan...
(Back to Franco)
Sandali...sino si Tristan? Bakit Tristan ang unang tinawag sa akin ni Jillian? Oo yung pagpapakilala ko sa kanya ay Hindi namin unang pagkikita... Kaya ang pangalang Franco ang pinakilala ko sa kanya... Tsaka Bakit yung parents ni Tristan ay parents ko rin? Pareho Kami ni Kuya ng nanay... Dahil sa pagkaalala ko...nung namatay yung tatay niya ay siya namang natagpuan niya ang daddy ko... Pero bakit ganoon? Sino si Tristan? Bakit magkapareho rin kami ng kaarawan? May kaugnayan ba kami sa isa't-isa?
Jillian's POV
Bumalik muna ako sa ospital Tutal wala naman akong gagawin sa bahay. Nakita ko si Tristan...este Franco pala na nakaupo at may kausap... Hindi ko alam... Hindi niya sinasabing siya si Tristan...kahit Alam kong siya yun.... Kaya pinanindigan ko na lamang na siya si Franco...sapagkat Baka ako lang talaga ang nagkamali.
Narinig ko naman ang pinag-uuspaan nila... Siya at ang kasama niyang lalaki...kaibigan niya ata...
Franco: Bro...may sasabihin ako sana sa iyo....huwag mong ipagkakalat ah?
James: O Sige bro....bakit...ano ba yun? at sadyang napakaimportante nito sa'yo?
Franco: Alam mo ba...
James: Hindi ko nga alam...
Franco: Sandali! Di mo ako pinapatapos eh... Saglit lang kasi...
James: Oh sige...ano ba kasi iyan?
Franco: Yung pasiyente kong si Gia... Hindi Ba't kaakit-akit ang kanyang maamong mukha?
James: Sandali...ba't siya yung sinasabi mo sa akin? Huwag mong sabihing may gus-....
Franco: Oo....gusto ko siya....
James: Oh my... Franco...Bro...diba ex Yan ng Kuya mo? Tas may Asawa na yan?
Franco: Ewan ko...eh Parang napa-ibig muli si Kuya sa kanya eh...
James: Eh Bakit...di ba Alam ng kapatid mong may Asawa na yung tao?
Franco: Mahabang salaysay James... Maraming pangyayari noon... It's a Very Long and complicated story of them...At lahat ng yon ay Narinig ni Jillian... Na siyang lalong nagpasama ng kanyang kalooban...Ngayon galit na rin siya kay Gia.... At Hindi na niya Alam kung Ano pa ba ang dapat niyang gawin...
Franco's POV
Patutungo ako ngayon sa office ni Kuya... May nais lamang akong itanong...May nais malaman tungkol sa tunay kong pagkatao...
(Knock knock)
Nathan: Pasok...
Franco: Ah bro...
Nathan: Oh bro....halika ka... pasok ka.. Anong kailangan mo?
Franco: May Gusto lamang akong itanong sa iyo...
Nathan: Tungkol Saan ba ito?
Franco: Bro...sino si Tristan? Bakit sa Nakita kong papel kanina Eh parehong-pareho kami... Parehong pangalan ng magulang...parehong kaarawan....at pareho rin ang detalye tungkol sa amin... Sino ba siya? Kilala mo ba siya?
Nathan: Gusto mo ba Talagang malaman?
Franco: Oo...
Nathan: Bro...ikaw si Tristan...
Franco: Ppaano?
Nathan: Naaksidente ka nung maliit ka pa... Nabangga ang iyong ulo sa isang napakalaking bato habang naglalaro ka... Muntikan ka nang mabawian ng buhay nun dahil sa lakas ng impact ng pagkabangga mo... Ngunit sa kabutihang palad ay nakaligtas ka... Pero na amnesia ka... Nalimutan mo lahat-lahat... At yung aksidenteng yun ay Pagkatapos kang iwan ni Jill dahil maglilipat na sila nga tirahan...
Franco: Pero Bakit pinalitan ang aking pangalan?
Nathan: Sapagkat Alam ng daddy mo na may Gusto ka na sa kanya... Alam niya na Kahit di mo man aminin ay may nararamdaman ka Para sa kanya... Na sa murang edad pa lamang ay Halatang may pagtingin ka Para sa kanya... At ang dahilan? Dahil ayaw niya kayong magkatuluyan... Dahil magkaribal sila ng parents nina Jill. Kaya Alam niyang may posibilidad na magkaroon kayo ng relasyon sa panahong kayo ay malaki na... Kaya sinamantala niya ang pagkakataong naamnesia ka... Ibang pangalan na ang pinagamit niya sayo...instead of Tristan ay naging Franco na ang iyong pangalan... Para kapag muling magkrus ang inyong landas ay Hindi ka na niya makikilala pa...Mahaba niyang salaysay....
Franco: Kaya pala....
Nathan: Kaya pala? Anong ibig mong sabihin?
Franco: Kaya palang ipinilit ako ni dad noon na hiwalayan si Jade ay dahil diyan... Sapagkat Alam niyang magkapatid sina Jill at Jade... Sinabihan niya ako na pumunta sa mga magulang ni Jade Para Sabihing Gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya... At may Bago raw siyang ipapakilala sa akin... At dahil nagkakalabu-an na rin kami ni Jade nun...sinunod ko ang kanyang sinambit... Nagkahiwalay kami at nagkaroon kami ni relasyon ni Yuri...
Nathan: Yuri? Diba siya ang iyong sinasabi sa akonn na nakakita raw kina Andrew at Gia?
Franco: Na siyang tunay...at pera lamang ang habol sa akin...
Nathan: Nais mo bang tulungan kita kay Jade upang kayo ay magkabalikan na?
Franco: Huwag na po... Sapagkat meron ng ibang nagmamay-ari ng aking puso...
Nathan? Sino siya? Si Jill pa ang iyong tinutukoy?
Franco: Maaari bang sarilihin ko na muna iyon?
Nathan: Sige....kung iyan ang iyong kagustuhan ay rerespituhin ko n lamng iyon....Samantala... Sa kuwarto ni Andrew... Ay Pumasok naman si Alex...
Alex's POV
Hay Naku Andrew.... Ikaw naman kasi... Sinabi ko na sayo dati pa na Gusto kita... Pero Anong ginawa mo? Niregect mo ako... Kaya Tingnan mo ang nangyari sa'yo.... Sana pagising mo ay malimutan mo na yung Asawa mong Mukhang impakta at ako na lamang ang iyong ibigin... Mahal kita Andrew... At sisiguraduhin kong Magiging akin ka rin... Sa akin pa rin ang huling halakhak hahahahahhahaha!!!!!
TBC.....
So dito na muna magtatapos.... Sa mga nakabasa na...check niyo lng yung chap 18 kasi may pinalitan ako dun Para maconnect yung story dito... So yun ang nakaraan ni Franco... Pero Sino Kaya si Alex? Ano naman Kaya ang kaugnayan nila ni Andrew? May kinalaman ba siya sa aksidenteng nangyari? Ano Kaya ang kanyang binabalak gawin?
Thanks Sa lahat ng nagbabasa nito!!!!
Please vote and feel free to suggest your toughts...
Lovelots😍😍😘😘
BINABASA MO ANG
Bakit Ngayon ka lang Dumating? (glaigeoffXglaimarx)
RomanceBakit Ngayon ka lang Dumating? Ngayong may iba nang nag-aari ng puso ko? Ngayong hindi na ako malaya na mahalin ka? Dapat ko bang balewalain yung damdamin ko sa iyo? O dapat ko na ba siyang limutin at ipaglaban ka?