Gino's POV
"Ano ang pinagkaiba ng tutuldok at tuldok-kuwit?" tanong sakin ng aming guro.
Malikot naman ang mga mata kong pilit sinesenyasan ang mga katabi ko para tulungan akong sagutin ang tanong ng aming guro.
"Sa tingin ko'y hindi mo pinag-aralan ang aking itinakdang-aralin sa iyo." mahinahon n'ya muling sambit pero nagpapakaba sa'kin.
Kamot ang batok na umiwas na lang ako ng tingin.
Magsasalita na sanang muli ang aming guro pero tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang earthquake drill.
Buntong ang hiningang napagaya na lang ako sa mga kamag-aaral ko.
Ilang saglit pa'y natapos din ang sapilitang pagbibilad namin sa initan.
Tapos na ang oras ng aming guro at uwian na.
Ito ang pinakagusto ko sa lahat.
Inaayos ko ang aking mga gamit nang mapansin ko ang isang sobre.
Takang dinampot ko ito at tinignan ang nakasulat.
' Unang liham (Pebrero 1)'
Banggit ko at nagulat ako nang mabasa ko ang pangalan ko.
' Gino Tatlunghari '
Itatanong ko sana kung kanino ang sulat na ito pero wala na palang tao.
'Psh! Iwan daw ba ako. Di man lang naglinis.' sambit ko at umuwi na.
Pagdating ko sa bahay ay nakatulog agad ako. Nagising lamang ako ng pilit akong pinapakain ng aking ina.
Matapos kong kumain ay hinanap ko ang cellphone ko sa bag ko pero iba ang nakita ko.
Yung liham.
Pinag-iisipan ko kung babasahin ko ba o hindi pero napag-isip isip ko na wala namang mawawala kung babasahin ko ito.
Ingat na ingat ko itong binuklat at sinimulang basahin.
Ginoong Gino Tatlunghari;
Alam kong nagtataka ka sa liham na ito. Sino nga naman ba ang babaeng maglalakas ng loob ibigay ito sa'yo. Pero sana basahin at pakaingatan mo.
Nakita kita kanina, nahihirapan ka pa lang ikumpara ang tutuldok at tuldok-kuwit.
Alam ko nakakalito talaga sila, pero alam mo bang para silang tayong dalwa?.
Ikaw si tutuldok na halos katulad kong si tuldok-kuwit, ang pinagkaiba lang mas kilala ka...
Nagmamahal,
Pero 'di mo Mahal."Eh? Ahahahahahaha! Parang timang eh! Ahahahaha!" tawang-tawang sambit ko.
Ngayon lang ako nakabasa ng sulat kamay na liham at aaminin kong napukaw nito ang atensyon ko.
'Ako si tutuldok? Ikaw si tuldok-kuwit? Mas kilala ako kesa sa'yo?' ngising tanong ko sa isip ko.

BINABASA MO ANG
LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14
De TodoAng storyang ito ay tumutukoy sa kung paano nagkakaiba ang tutuldok at tuldok-kuwit. Ito ay nilalaman ng isang kwento na kadalasang pumupukaw sa atensyon ng kabataan ngayon.