KABANATA 2

5 0 0
                                    

Gino POV

Malapad ang ngiting pumasok ako sa silid-aralan namin.

Sobrang gaan ng pakiramdam ko.

Pinag-aralan ko na ang lahat ng bantas.
Nakakatawang isipin na 'saka lamang ako sinipag mag-aral ng bantas ng matanggap ko ang liham.

"Tatlunghari." tawag sakin ng aming guro kaya't napalingon ako sa kanya.

"Alin ang mas madalas gamitin sa pangungusap? Tutuldok o tuldok-kuwit?" tanong ng ginang.

Tumayo naman ako at taas-noong sumagot.

"Tutuldok po." ngiting-ngiting sambit ko na ikinatango naman n'ya.

Sa iba naman s'ya bumaling at doon nagtanong.

Hanggang sa matapos na ang aming klase.

Inayos ko na ang mga gamit ko pero wala pa talaga akong balak umuwi.

Iintayin ko s'ya para makita ko s'ya.

Pero lumipas ang halos magtatatlong oras pero walang dumating o lumapit sa upuan ko.
Bagsak ang balikat na umuwi ako.

Pag-uwi ko ay nadatnan ko ang aking ina na nag-aayos ng lamesa.

"Oh, anak ginabi ka ata? Magbihis ka na at kakain na tayo." sambit ng aking ina na maagap ko namang tinanguan.

Nagbihis ako at lumapit na sa hapag-kainan at nagsimula ng kumain.

"Nak, muntik ko ng makalimutan. May batang nag-abot sakin ng liham, may nagpapabigay---"

"Asan na po?." putol ko sa sinasabi ng aking ina.

"Andun sa lamesita mo. Mamaya mo na basahin, tapusin mo muna ang pagkain mo." sambit naman n'ya nang akmang aalis na ako.

Dali-dali ko namang inubos ang pagkain ko. Kulang na lang di ko na nguyain.

Pagkatapos ay dali-dali kong hinanap ang liham.

Napangiti naman ako nang makita ko ito.

Ingat na ingat ko itong binuksan at sinimulang basahin.

'Ikalawang Liham (Pebrero 2)'

'Gino Tatlunghari'

Ginoong Gino Tatlunghari;

Ako po muli ito. Sekretong nagmamahal sayo.

Marahil nagtataka ka kung bakit naikumpara kita sa tutuldok.

Ang tutuldok kasi ay ginagamit kapag may lipon ng mga salita.

Parang ikaw lang na may lipon ng pagmamahal ko.

Nagmamahal,
Pero 'di mo Mahal.

"Ahahahahahahahaha!." tawa ko sa sulat n'ya.

"Aysh!. Ihhh!. Nakakaasar!." pigil ang ngiting sambit ko.

Kinikilig na ba ako?. Nakakadiri kalalaki kong tao.

'Lipon ng mga salita.' ulit ko sa isip ko at napangiti.

LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon