KABANATA 9

1 0 0
                                    

Gino POV

Kagaya ng nakagawian ay nagising at naggayak akong nakangiti.

May magaan na pakiramdam na pumasok sa paaralan at malawak ang ngiting binati si Esmeralda, tulad kahapon ay medyo nauutal s'ya pero nagagawa pa din n'yang bumati pabalik.

Natapos ang klase at pilit kong pinipigilan na lumingon sa gawi n'ya.

Ayokong isipin n'ya na alam ko na.

Ayokong isipin ang mga maaaring mangyari.

Masaya pa ako ngayon.

Kontento pa ako sa ganto.

"Alis na ako." sambit n'ya at ngumiti ng malawak na ikinatitig ko sa kanya.

Kumakabog ang dibdib ko kaya dinaanan ko na lang s'ya at pumunta sa silid-aklatan. Pagbalik ko'y nakaalis na si Esmeng.

Ginayak ko na ang gamit ko at umuwi na.

Pag-uwi'y ginawa ko na ang mga gawain ko at nahiga na.

Hawak ko muli ang liham.

'Ikasiyam na Liham (Pebrero 9)'

'Gino Tatlunghari'

Ginoong Gino Tatlunghari;

Ako ulit ito. Tulad kahapon ay ilang beses kong nasilayan ang ngiti mo ngayong maghapon.

Napakaaliwalas ng mukha mo at napapahiling akong sana ako ang dahilan nito.

Ako kasi si tuldok-kuwit, yung pedeng maging kapalit mo pagkatapos ng bating panimula.

Ginoong Gino Tatlunghari;

Ginang Tatlunghari;

Ginoong Tatlunghari;

Mga bating panimula ko sa oras na maisipan kong makipagkalakal sa mga magulang mo.

Pwede bang akin na lang ang pag-ibig mo kapalit ng walang hanggang pagmamahal ko sa'yo.

Nagmamahal,
Pero 'di mo Mahal.

PS: Nagiging maharot na ako dahil sa ngiti mo. Psh!

"Ahahahahahahaha!. Bakit 'di ka sumulat sa aking ina? Okay lang naman. Ahahaha!" sambit ko at napagpasyahan nang matulog.

LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon