Gino POV
Kung ano man ang nararamdaman ko nitong nagdaang mga araw, sana 'di na mawala pa.
"Magandang umaga Esmeng!" masiglang bati ko.
"Magandang umaga rin Gino." walang gana nyang sambit na ipinagtaka ko.
"Anong meron?" tanong ko.
"Tuloy na tuloy na kasi ang paglipat namin eh. Hindi na mapipigilan." sambit n'ya na ikina-kunot noo ko.
"Kelan?" tanong ko na pinipilit hindi magtunog na nanghihinayang.
Hindi ko alam pero parang masakit na lilipat na sila.
"Sa Marso, pagkatapos ng huling pagsusulit natin." sambit n'ya.
"Hindi na kayo babalik?" nanunuring tanong ko.
"Babalik pa, pero para na lang sa mga dapat kong asikasuhin dito sa paaralan." sagot n'ya.
"Ahhh." sagot ko na lang at nakinig sa mga aralin namin.
Pilit iwinawaglit sa aking isipan na s'ya ay lilisan.
'Bakit kailangan mo pang iparamdam sa'kin ang nararamdaman kong ito kung aalis ka rin pala sa tabi ko?' tanong ko sa isipan ko habang nakatingin kay Esmeng na inaayos ang gamit n'ya dahil uwian na.
"Tara na!" nakangiting akit n'ya at naglakad na kami.
Hindi tulad nang nakaraang araw na masigla s'yang nagkukwento, ngayon panaka-naka na lamang s'yang nagsasalita.
"Dito na ako." sambit ko at tumango lamang s'ya.
Pagpasok ko ay ginawa ang mga gawain at nahiga na sa kama.
May bago na namang liham pero parang ayoko ng basahin.
Pero hindi rin ako nakatiis at binasa ko na rin.
'Ikalabing-dalwang Liham (Pebrero 12)'
'Gino Tatlunghari'
Ginoong Gino Tatlunghari;
Ako ulit hehe! Hindi ko alam pero nasasabik na ako sa araw nang mga puso.
Ako nga kasi si tuldok-kuwit na ginagamit sa unahan nang mga salita at parirala tulad nang halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.
Kaya siguro ako nasasabik dahil nauna kitang mahalin pero ngayon mukhang ako'y gusto mo na rin.
Yiiiiieee~. Kiligin ka naman! Haha!
Nagmamahal,
Pero di mo Mahal."Ginagamit sa unahan ng mga salita." ulit ko.
"Psh! Bakit ba ganto? Sa halip na kiligin ako lalo akong nasasaktan kasi aalis ka lang rin naman." malungkot kong bulong at natulog na lang.

BINABASA MO ANG
LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14
RandomAng storyang ito ay tumutukoy sa kung paano nagkakaiba ang tutuldok at tuldok-kuwit. Ito ay nilalaman ng isang kwento na kadalasang pumupukaw sa atensyon ng kabataan ngayon.