KABANATA 14

2 0 0
                                    

Esmeralda POV

"Hayst! Grabe! Ilang araw pa lang nami-miss ko na sila." sambit ko nang maalala ko na naman mga kahangalang ginagawa namin ni Martha.

Yung mga panahong pilit ko s'yang inilalayo sa manliligaw n'ya kasi bata pa sila pero ngayon magkasintahan pa rin sila.

Si Martha ang isa sa mga pinakaimportanteng taong naiwan ko sa dati naming tahanan.

Napangiwi naman ako ng maalala ko si Gino.

Yung lalaking unang mahal ko.

Kahit hindi ko naamin sa kanya ang nararamdaman ko, masaya pa rin ako kasi naging malapit kami bago ako umalis.

'Teka. May nakakalimutan ka ata Esmeng?' tanong ko sa sarili ko.

'Ano naman yun?' takang tanong ko ulit at inilibot ang tingin sa aking silid.

Nahagip ng paningin ko ang isang sobre.

"Yung liham!" sambit ko at dinampot ang liham.

Galing ito kay Gino.
Sabi n'ya basahin ko na lang daw kapag na andito na ako sa bahay pero naging abala ako sa pagtulong na malinis itong bahay.

'Ika-labing apat na Liham (Pebrero 14)'

"Ikalabing-apat na liham? Asan yung labing tatlo? Pebrero labing apat? Ibig sabihin matagal na ito?" takang tanong ko ng mabasa ko 'yung nakasulat sa likod.

"'Esmeralda 'Future' Tatlunghari' !?" gulat na basa ko sa kasunod na nakasulat sa likod at dali daling binasa yung liham.

'Binibining Esmeralda Sandiego;

Ito ang unang liham na sinulat ko at ibibigay ko sa'yo.

Alam ko naguguluhan ka kung bakit ikalabing-apat ito.

Naalala mo ba 'yung mga panahong hindi ko nasagot 'yung tanong tungkol sa tutuldok at tuldok-kuwit?

Doon nagsimula lahat.

Ako si tutuldok na ginagamit pagkatapos ng bating panimula nang pormal na liham.

Ako si tutuldok na ginagamit sa tuwing may lipon nang mga salita.

Ako si tutuldok na naghihiwalay sa yugto at tagpo sa isang dula.

Ako yung tutuldok na yun na hindi magsasawang magpaka-pormal at maglipon ng magagandang salita upang maging maganda ang bawat yugto at tagpo ng ating pagkikita.

At hinihiling ko lang sana pagbalik mo, ikaw pa rin yung tuldok-kuwit na parang katulad ko lang pero lamang ang pagkakaiba.

Ikaw 'yung tuldok kuwit na ginagamit pagkatapos ng bating panimula sa liham pangangalakal.

Ikaw yung tuldok-kuwit na ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig.

Ikaw yung tuldok-kuwit na ginagamit sa unahan ng mga salita at parirala tulad ng halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.

Sana pagbalik mo mapatunayan mo pa rin na tama yung mga sinulat ni Martha sa liham.

Hihintayin kita, sa ngayon 'yun ang kaya natin gawin sapagkat kailangan pa nating abutin ang mga pangarap natin.

Nagmamahal,
Sayo matagal na.

Tulala ako pagkatapos kong mabasa ang liham. Ayaw tanggapin ng sistema ko yung nakasulat.

Parang sobrang nabigla at hindi na nagana pa.

"Ang harot din pala nung baklang yun!" sambit ko na lang at natawa.

LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon