KABANATA 10

3 0 0
                                        

Gino POV

Ngiti. Ngumiti. Ngingiti.

Iyan ang mga nagagawa ko nang hindi ko namamalayan. Iyong matutulog akong nakangiti at gigising ng nakangiti.

Nakakapanibago pero ang sarap sa pakiramdam.

"Paalam." sambit ng aming guro at tumayo kami at gumanting bati rin ng pasasalamat.

"Uuwi ka na?" tanong ko at ngumiti lang si Esmeng.

"Sasabay ka ba?" ganting tanong n'ya.

"Depende kung iintayin mo ko." sagot ko.

"Sige ba, basta bilisan mo." sambit n'ya at tumakbo na ako papuntang silid-aklatan at 'saka bumalik.

"Bilis ah! Parang hinawakan mo lang yung pinto nung silid-aklatan ah!" natatawang sambit n'ya habang habol hininga kong kinuha ang gamit ko.

"Tara na!" sambit ko at hinatak s'ya sa kurbata n'ya na ikinagulat n'ya kaya binitawan ko at saka tumawa.

Umirap naman s'ya saka kami nag-umpisang maglakad.

Ang daldal n'ya. Kung ano-ano mga kinukwento n'ya, may kasama pang 'sound effects' at 'acting'.

Naaaliw akong panoodin s'ya kaya 'di ko namalayan na nasa bahay na kami.

"Paalam na Ginoo!" sambit n'ya at nagtatakbo na palayo.

"Ginoo?" tanong ko at natatawang pumasok ng bahay.

Pagpasok ay ginawa ko na ang mga nakagawian at nang matapos ay nahiga na ako habang hawak ang liham.

'Ikasampung Liham ( Pebrero 10)'

'Gino Tatlunghari'

Ginoong Gino Tatlunghari;

Ako po ulit. Masaya ako na lagi ka ng nakangiti.

Naisip ko lang. Hinahanap mo kaya ako? Alam mo ba kung sino ako?

Kung hindi, ipapakilala ko ulit sarili ko.

Ako si tuldok-kuwit na ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig.

Ako 'yun.

Nagmamahal,
Pero 'di mo Mahal.

"Ha? Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay? Panong s'ya yun?" takang tanong ko at natulog na lang.

LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon