Gino POV
Nagising akong mabigat ang pakiramdam.
"Sino ba s'ya? Ganun na ba ako ka-ignorante at hindi ko napapansin ang tulad n'ya? Dapat ko na ba s'yang hanapin? Ano naman ang aking sasabihin?. 'Paumanhin?' 'Salamat sa liham at patawad sa aking kalapastanganan dahil hindi ko alam na ika'y aking nasasaktan?' Sino ka nga ba?" mga salitang paulit-ulit sa isip ko hanggang sa makarating na ako sa paaralan namin.
Ilang oras na pero hindi mawaglit sa isip ko na nasasaktan ko s'ya dahil hindi ko man lang s'ya kilala.
'Hindi nga ba?.' tanong ng isip ko.
'Hindi talaga. Bakit may naiisip ka bang babaeng laging lumalapit sa'yo?' tanong ko pabalik.
At napalingon ako kay Esmeralda.
'Imposible!' kontra ko at inis na nakinig sa klase.
Buong araw akong nagpilit intindihin ang aming aralin at pilit nag-iwas ng tingin kay Esmeralda.
"Psh!" inis na singhal ko at dali-daling umuwi.
Bumati sa aking ina at ginawa ang mga gawain, nang matapos ay nagbuklat ng libro at nakita ko ang liham.
"Panong?" takang tanong ko dahil 'di ko iniwan ang gamit ko.
Naalala ko na naman si Esmeralda.
S'ya lang ang katabi ko at posibleng maglagay ng liham sa libro ko.
Dali-dali ko itong binuklat.
'Ikapitong Liham (Pebrero 7)'
'Gino Tatlunghari'
Ginoong Gino Tatlunghari;
Hindi ko alam kung bakit nakakunot iyang noo mo. Kung ano man ang problema mo sana mawala na ito.
7:00-8:00 ng umaga noong una kitang makita. Isa ka lang sa mga taong nabubuhay para sa'kin, normal lang, pero nang ako'y iyong ngitian ay nagbago ang lahat.
'Yugto ng ating pagkikita:
Ako'y nananahimik sa tabi ngunit ika'y biglang pumasok at naupo sa aking tabi.
Wala akong pakelam na nagbabasa ng aking aklat ngunit bigla mo akong tinitigan.
Umiwas ako at umalis sa aking upuan.
Sinundan mo ako at tinignan kita ng puno ng pagtataka.
Ngumiti ka at bigla mo akong iniwang nakamaang sa kawalan.
Pinakabog mo ang dibdib ko kaya ako'y nagsimulang hangaan ang tulad mo.'
Ganyan ang nangyari kaya ngayon ako'y nahuhumaling.
Nagmamahal,
Pero 'di mo Mahal.
"Ayyyssshhh! Wag ka ngang ngumiti!" saway ko sa sarili ko ng pilit pinipigilan ang ngiti ko.
"Ahahahahahahaha! Ayshh ano ba ginagawa mo sa akin? Puso wag kang kumabog!" napapangusong sambit ko at nagpagulong-gulong sa kama.
"Mukha kang ewan!" sambit ng aking ina kaya napatigil ako.
"Ma.." nahihiyang sambit ko.
"Matulog ka na at maagap pa ang pasok mo bukas." sambit n'ya na may ngiti sa labi 'saka umalis.
Nahiga ako at malawak ang ngiting natulog.
BINABASA MO ANG
LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14
RandomAng storyang ito ay tumutukoy sa kung paano nagkakaiba ang tutuldok at tuldok-kuwit. Ito ay nilalaman ng isang kwento na kadalasang pumupukaw sa atensyon ng kabataan ngayon.
