Gino POV
Nagising akong nakangiti na naman.
Wala lang, parang ang saya lang sa pakiramdam.
Gumayak nang nakangiti.
Pumasok nang nakangiti.
Nag-aaral nang nakangiti.
At mukhang uuwi rin ng nakangiti."Paalam." sambit nang aming guro at tumayo kami at gumanting bati.
"Sasabay ka ba?" tanong ni Esmeng.
"Ibabalik ko lang itong libro." sambit ko at tumakbo na patungong silid-aklatan at bumalik na rin agad.
"Tara na." akit ko agad at saka kami umuwi.
Ganun pa rin s'ya. Sobrang daldal at andaming kinukwento.
"Dito na ako." sambit ko at ngumiti naman s'ya saka umalis sa harap ko.
Pumasok na ako at bumati sa aking ina at ginawa na ang aking mga gawain.
Nang matapos ay nahiga na ako at kinuha na ang liham.
Ayan na naman ang ngiti ko.
'Ikalabing-isang Liham (Pebrero 11)'
'Gino Tatlunghari'
'Ginoong Gino Tatlunghari;
Ako ulit. Yung kahapon na pagpapakilala ko, dudugtungan ko ngayon.
Ako si tuldok-kuwit na ginagamit sa pagitan nang mga sugnay.
Bibigyan kita nang kaunting kaalaman tungkol sa'kin.
Ako'y mahilig sa mga gulay; ito'y mabuti sa aking katawan.
Ika'y aking inspirasyon; nakabubuti ka sa aking pag-aaral.
Ako'y may malinaw na mata; nasisilayan ko ang iyong ngiting kay ganda.
Yun Lang!
Kiligin ka naman! Haha!
Nagmamahal,
Pero 'di mo Mahal."Hindi ako kinikilig!" sambit ko at pigil na naman ang mga ngiti.
"Hindi talaga!" sambit ko at nagtalakbong nang unan para itago ang ngiting sumisilay.
"Ahhh oo na nga, kinikilig na ako! Ahahahahahaha!" sambit ko at walang tigil na natawa at saka natulog na .
BINABASA MO ANG
LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14
RandomAng storyang ito ay tumutukoy sa kung paano nagkakaiba ang tutuldok at tuldok-kuwit. Ito ay nilalaman ng isang kwento na kadalasang pumupukaw sa atensyon ng kabataan ngayon.