Gino POV
Nagising akong nakangiti. Gumayak nang may malawak na ngiti. Pumasok nang magaan ang pakiramdam.
"Magandang umaga, Esmeng!" masiglang bati ko nang mabungaran si Esmeralda.
"Ma--magandang umaga rin." gulat na ganting bati n'ya.
Ngumiti lang ako nang malawak sa kanya at nakinig na sa klase.
Sigurado na akong siya ang nagpapadala ng liham. Siya lang ang babaeng pinansin ko nung unang araw ng klase.
Natapos ang klase at aaminin ko, ilang beses akong panakaw na tumitingin sa kanya.
Lumabas ako ng lumabas na s'ya.
"Uuwi ka na rin?" tanong n'ya.
"Hindi pa, pupunta pa akong silid-aklatan." sagot ko nang nakangiti.
"Nakakapanibago ka." bulong n'ya.
"Nakakapanibago? Ano ba ako noon?" ngiting-ngiting tanong ko at umiwas naman s'ya ng tingin.
"Wa--wala." sambit n'ya at napatitig ako sa namumula nyang mukha.
"Ahahahahahaha! 'Cute'." sambit ko at nauna nang maglakad.
Pumunta ako sa silid-aklatan at bumalik na sa silid-aralan. Saka ko inayos ang aking gamit at umuwi na.
Pag-uwi ko'y ginawa ko ang aking mga gawain bago ko binuklat ang liham na nakasangat ulit sa aking libro.
'Ikawalong Liham ( Pebrero 8)'
'Gino Tatlunghari'
Ginoong Gino Tatlunghari;
Hindi ko alam kung anong meron ngayon, pero sobrang saya ko kasi ilang ulit kong nasilayan ang ngiti mo.
Ako ang tuldok-kuwit na maaaring gamitin sa katapusan ng bating panimula ng liham pangangalakal.
Parang pareho lang ng bating panimula ng pormal na liham.
Parang pareho lang ng ngiti ko sa tuwing makikita ko ang ngiti mo.
Nagmamahal,
Pero 'di mo Mahal."Ayshhh naman! Ngingiti na ako lagi ihhhh!" pigil na ngiting sambit ko at natulog.

BINABASA MO ANG
LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14
РазноеAng storyang ito ay tumutukoy sa kung paano nagkakaiba ang tutuldok at tuldok-kuwit. Ito ay nilalaman ng isang kwento na kadalasang pumupukaw sa atensyon ng kabataan ngayon.