KABANATA 6

0 0 0
                                    

Gino POV

Katulad kagabi'y nagising akong may ngiti sa labi.

Gumayak ako't pumasok na.

Sa totoo lang, nababagalan ako sa oras kahit na huling klase na namin ito.

"Paalam." sambit ng aming guro at tumugon kami ng bati.

"Paalam at salamat ginang." ganting bati namin at mabilis na nag-alisan ang mga kamag-aaral ko.

"Pasaan ka?" tanong ni Esmeralda.

Dinaanan ko lang s'ya at nagtungo sa palikuran.

Bumalik din naman ako at iginayak ang gamit at saka ako umuwi.

Pag-uwi ginawa ko na ang mga nakagawian ko bago ako nahiga habang hawak ang liham.

Oo, liham. Panibagong liham na nagpapasaya sa'kin.

'Ikaanim na Liham (Pebrero 6)'

'Gino Tatlunghari'

Ginoong Gino Tatlunghari;

Ako ulit. Sana 'wag kang magsawang basahin ang mga liham ko.

Masaya ako na pinagtutuunan mo ito ng pansin kahit hindi mo naman talaga ako pinapansin. Naiintindihan ko naman 'yun kasi ikaw nga si tutuldok 'di ba?

Ikaw si tutuldok na naghihiwalay ng yugto at tagpo ng isang dula, sa oras at minuto, sa kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.

Ikaw ang naghihiwalay sa pantasya ko at sa totoong mundo.

Nagmamahal,
Pero 'di mo Mahal.

"Eh? Inihihiwalay ko s'ya? Yugto at tagpo ng isang dula." sambit ko at dismayadong natulog.

LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon