Gino POV
Di na naman mabura ang ngiting nakapaskil sa mukha ko.
"Saya mo ah. Anong meron?" takang tanong ni Esmeralda na may pagdungaw pa sa mukha ko.
"Wala." sambit ko at hinawi ang mukha n'ya.
"Ahhh wala. Wala lang yung parang timang kang nakangiti sa kawalan." natatawang sambit n'ya sakin na ikinakunot- noo ko lang.
"Paalam." sambit ng aming guro, hudyat na tapos na ang klase namin.
"Paalam at salamat din po!" ganting bati namin at tuluyan na s'yang umalis.
Nagligpit naman agad sila ng gamit, pero di ko sila pinansin.
"Bakit nakaupo ka pa d'yan? Wala ka pa bang balak umuwi?" takang tanong ni Esmeralda pero di ko na lang s'ya sinagot.
"Psh! Bahala ka na nga dyan. Alis na ako sungit." maligalig n'yang sambit.
Umirap lang ako at tumayo din pero iniwan ko yung gamit ko.
"Sasabay ka sakin?" ngising tanong n'ya pero nilagpasan ko lang s'ya.
"Psh. Asar!" pikon n'yang bulong na ikinangisi ko naman.
Plano ko talaga to.
Kasi kung nandoon ako sa malapit sa mga pedeng paglagyan na gamit ko baka hindi mailagay yung liham.Pumunta ako sa banyo at ilang saglit pa'y bumalik na sa silid-aralan.
Sobrang lawak na ngiti naman ang kumawala saking labi ng makita ko yung sobre na nakaipit sa libro ko.
Dali-dali ko itong binuksan.
'Ikaapat na Liham (Pebrero 4)'
'Gino Tatlunghari'
'Ginoong Gino Tatlunghari;
Gino Tatlunghari ano bang meron ka?
Pormal na liham sana ito pero nagiging abnormal ako pagdating sa'yo.Ang tutuldok ay ginagamit pagkatapos ng bating panimula sa pormal na liham.
Parang ikaw nga talaga, binati kita ng pormal pero pagkatapos nun ngumiti ka at dun na nagsimula ang lahat.
Yang ngiti mo yung tutuldok na dahilan kung bakit nagwawala sistema ko pagkatapos bumati ng pormal sa'yo.
Nagmamahal,
Pero 'di mo Mahal."Ahahahahahaha! Pormal pala ha." ngising sambit ko.

BINABASA MO ANG
LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14
De TodoAng storyang ito ay tumutukoy sa kung paano nagkakaiba ang tutuldok at tuldok-kuwit. Ito ay nilalaman ng isang kwento na kadalasang pumupukaw sa atensyon ng kabataan ngayon.