Prologue

5 0 0
                                    

Gino POV

"Magandang umaga!" masiglang bati ko sa aking mga estudyante pagkapasok na pagkapasok ko sa kanilang silid-aralan

"Magandang umaga rin po at sumainyo ang kapayapaan ginoong Tatlunghari!" bati pabalik sakin ng mga mag-aaral.

"Kahapon ay itinuro ko sa inyo ang bantas." pagsisimula ko na tinanguan naman ng mga mag-aaral.

"Ano nga ulit ang bantas,Mark?" tanong ko sa isa sa mga mag-aaral na tinuturuan ko.

Mabilis naman siyang napamaang at wari mo'y di naintindihan ang aking tinuran.

"Ayun! Biglang naglabasan ang mga kuto at puro kamot sa ulo ang sagot sa tanong ko." sambit ko na ikinatawa naman ng mga estudyante ko.

Lingon naman nang lingon ang tinatanong ko. Wari mo'y naghahanap ng tutulong sa kanya.

"Ang bantas ay mga simbolo na nagpapakita ng kayarian at kaayusan ng nakasulat sa wika, pati na ang pagtaas at pagbaba ng tono at paghintong sandali na gagawin kapag nagbabasa ng malakas. Ayon ito sa Wikipedia (2017)." pagpapaliwanag ko na ikinatango muli ng mga mag-aaral.

"Ano naman ang kahalagahan nito Vince?" nanghuhuling tanong ko ng mahagip kong hindi siya nakikinig sakin.

Biglang tayo naman sya na ikinatawa ng mga kamag-aaral nya.

"A-a-ano po 'yun ginoo?"nahihiyang sambit nya na may pagkamot pa.

"Kamot. Naglabasan din ang kuto mo tulad ni Mark?" biro ko na ikinatawa muli nga mga mag-aaral.

"Ano ang kahalagahan ng mga bantas?" ulit na tanong ko ng sa gayon ay maintindihan nya.

Lilingon-lingon naman sya sa mga katabi nya na pasimpleng bumubulong sa kanya.

"Ang bantas ay ginagamit upang maintindihan natin ang tinuturan ng bawat pangungusap." malawak ang ngiting sambit nya. Wari mo ba'y waging-waging sa kung ano mang paligsahan.

"Tama!" sambit ko at bumaling naman sa ibang mag-aaral.

"Pumunta naman tayo sa mga uri ng bantas." sambit ko at binuklat ang aking librong dala.

Pagbuklat ko ng libro ay inilipat ko sa pahina kung nasaan ang aking kasunod na ituturo. Ngunit binitiwan ko rin ito sapagkat madali lamang para sakin ang ituturo ko.

Sinimulan kong magsulat ng mga bantas.

Panipi
Padamdam
Kuwit

Isa-isa kong paliwanag.

Tutuldok (:)
Tuldok-kuwit (;)

Dalawang bantas na ilang beses ko ng ipinaliwanag ngunit di pa rin nila maintindihan.

Naguguluhan sila sa aking tinuturan kaya minabuti kong bigyan sila ng takdang-aralin.

"Takdang-aralin, basahin ang Labing-tatlong Liham Bago ang Pebrero 14 sa panulat ng mag-aaral sa ikalabing isa ng Stem." sambit ko na mabilis naman nilang isinulat sa kani-kanilang mga talaan.

"Paalam." sambit ko nang maiayos ko na ang gamit ko at sarili ko.

"Paalam at salamat Ginoong Tatlunghari!" ganting bati nila at tuluyan na akong lumisan sa kanilang silid-aralan.

'Labing-tatlong Liham Bago ang Pebrero 14. Sana makatulong din yun sa kanila. Sana matulungan din sila nun kagaya ng pagtulong nun sakin.' napapangiting sambit ko sa isip ko.

Matagal-tagal na rin ng mabasa ko 'yun.
Mas mabuti sigurong basahin ko muli.

LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon