KABANATA 3

3 0 0
                                    

Gino POV

Ngising-ngisi ako nang matapos ang klase namin.

Hindi ko makalimutan yung sulat eh.

'Lipon ng mga salita parang lipon ng pagamamahal ko sa'yo.' ulit ng isip ko kaya di ko maiwasang ngumiti nang sobrang lawak.

"Aysh! Baliw ka na Gino! Ni hindi mo nga yun kilala eh!" saway ko sa sarili ko pero di ko pa rin mabura ang ngiti ko.

Sa ngayon wala muna akong balak hulihin kung sino man s'ya.

Ang mahalaga ay importante.

Masiglang umuwi ako sa'min.

"Ma, andito na po ako!" masiglang bati ko ng makauwi ako.

Tinanguan naman ako ng aking ina.

"Ma..." tawag ko.

"Bakit 'nak?" tanong n'ya.

"Wala po bang liham na para sakin?" pigil ang ngiting tanong ko.

"Wala naman anak. Bakit may iniintay ka ba?" sambit n'ya na ikinabura ng ngiti ko.

"Wala po ba talaga?" paninigurado ko.

"Wala anak. Dapat ba meron?" takang tanong ng aking ina.

"Ha? Ah wala po. Sige po bihis na po ako." sabi ko na lang at nagtungo sa kwarto ko para magbihis.

'Intayin ko na lang sa labas. Sigurado akong mayroon liham.' pangungumbinsi ko sa sarili ko at nag-antay nga ako sa labas.

"Nak! Kanina ka pa dyan, pumasok ka na dini at kakain na tayo." tawag sakin ng aking ina.

"Sige po." matamlay na sagot ko at pumasok na.

Inabot na ako ng gabi sa labas pero wala pa din.

Matamlay kong tinapos ang pagkain at mas piniling magbuklat ng mga aralin.

Pero laking gulat ko nang makita ko ang liham na kanina ko pang hinihintay.

Ngiting-ngiting binuklat ko iyon.

'Ikatlong Liham (Pebrero 3)'

'Gino Tatlunghari'

'Ginoong Gino Tatlunghari;

Hindi ko alam kung anong ginagawa mo sa mga liham ko. Kung binabasa mo ito at pinahahalagahan ay salamat. Kung binabasa mo at itinatapon ay salamat pa rin.

Nabanggit ko sa liham ko nung nakaraan ang lipon ng mga salita di ba?.

Gagamitin ko yun ngayon Gino.

Ikaw ang tutuldok na naglilipon sa mga salitang: mabait, matalino, makisig at masipag.

Ikaw din ang tutuldok na nakakapagparamdam sa puso ko ng sumusundo: kilig, saya, kaba at lalo ng pagmamahal.

Nagmamahal,
Pero 'di mo Mahal.

"Aysh! Di naman masyado." sambit ko habang ngiting-ngiti sa kawalan.

LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon