EPILOGUE

6 0 0
                                    

Gino POV

"Magandang umaga." bati ko sa mga studyante ko at tumayo naman sila at bumati na pabalik.

"Nabasa n'yo ba ang itinakdang-aralin ko sa inyo?" tanong ko.

"Opo!" sagot nilang lahat.

"Ngayon, saan ginagamit ang tutuldok. Mark?" tawag ko at mayabang naman na tumayo s'ya.

"Ang tutuldok ay ginagamit pagkatapos nang bating panimula sa pormal na liham, ito rin ay ginagamit kapag may lipon ng mga salita at ito rin ay naghihiwalay sa yugto at tagpo ng isang dula." mahabang talumpati n'ya na may pagkumpas pa nang mga kamay na ikinatawa ng kamag-aaral n'ya.

"Magaling Ginoo!" papuri ko at yumuko s'yang parang isang tunay na maginoo na lalong ikinatawa ng kamag-aaral n'ya.

"Ikaw naman Vince. Maari mo bang ibahagi sa amin ang kaalaman mo tungkol sa tuldok-kuwit?" tawag ko sa isa pang estudyante at tumayo naman s'ya.

"Ang tuldok-kuwit po ay ginagamit pagkatapos ng bating panimula sa liham pangangalakal, ito rin ay ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig, at ginagamit rin ito sa unahan ng mga salita at parirala tulad ng halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa." mahabang paliwanag n'ya na ikinatuwa ko.

"Magaling!" papuri ko at ipinagpatuloy ang klase.

Maya-maya pa'y natapos na ang oras ng klase.

"Paalam." sambit ko.

"Teka lang po Sir!" tawag sakin ni Maria.

"Bakit?" tanong ko.

"Sir... Ano po kasi..." nahihiyang sambit n'ya.

"Ano yon? May kailangan ka ba?" tanong ko.

"Ikaw po ba ang lumikha nang akdang 'yun?" nahihiyang tanong n'ya.

"Hindi." sagot ko ng nakangiti.

"Eh. Totoo po ba yun?"tanong ulit n'ya.

Sasagot na sana ako pero may batang lalaking tumakbo papunta sakin.

"Pa!" sambit ng anak ko.

"Pasensya ka na Gino, ang kulit eh." sambit ng asawa ko.

"'Class' !. Ipinapakilala ko sa inyo ang asawa't anak ko. Esmeralda at Dot." sambit ko at napangiti naman sila.

Saka kami lumakad patungong faculty.

"Ipinabasa mo ba sa kanila yung story ni Martha?" tanong ni Esmeng.

"Parang." sambit ko at natawa.

"Minsan talaga naiisip ko na lovestory n'yo 'yun eh." sambit n'ya na may pagtatampo.

"Nagselos na naman ang Asawa ni Gino Tatlunghari." sambit ko at niyakap silang dalawa ng anak ko.




WAKAS...

LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon