Gino POV
Nandito ako ngayon sa likod ng pintuan, hinihintay ko yung babaeng naglalagay ng liham sa gamit ko.
Kanina pa tapos ang klase at kanina pa ako naghihintay dito.
"Hoy! Anong ginagawa mo dyan?" sigaw ko nang makita ko na ang babaeng kanina ko pang hinihintay.
Lumingon s'ya sa'kin at parehong nanglalaki ang mga mata namin dahil sa gulat.
"I--I--IKAW?" gulat na sambit ko at tumango naman s'ya at umiwas nang tingin.
"Panong ikaw? May kasintahan ka na hindi ba?" gulat pa ring tanong ko kay Martha.
"Meron na." sambit n'ya.
"Bakit mo ako sinusulatan ng liham?" tanong ko habang nakakunot-noo.
"Ginagawa ko ito dahil kay Esmeng. Gusto ka n'ya matagal na pero wala syang balak umamin sa'yo. Bukang bibig ka n'ya sa lahat nang oras." sambit n'ya.
"Bakit!?" inis na tanong ko.
"Dahil gusto ka n'ya." sagot naman n'ya.
"Alam n'ya?" tanong ko.
"Hindi." sagot nya.
"Bakit ka sumusulat para kay Esmeralda?" inis na tanong ko ulit.
"Kasi gusto kong manatili sya. Naisip ko na siguro 'pag napansin mo na s'ya pipilitin n'yang dumito na lang." sambit n'ya.
"Alam mo kung anong tawag sa'yo? Pakelamera!" galit na sambit ko at tumalikod na.
"Pakelamera na kung pakelamera, pero aminin mong gusto mo na rin s'yang manatili." huling sambit n'ya pero hindi ko na lang s'ya nilingon pa.
Alam ko kasi sa sarili kong tama yung sinabi n'ya. Gusto kong dumito na lang si Esmeralda.
Umuwi na lang ako at ginawa ang mga gawain ko at nang matapos ay nagbuklat nang gamit ko.
Natagpuan ko na naman ang liham sa libro ko.
"Ang galing talaga. Pano n'ya ito nailusot sa gamit ko nang hindi ko ito napapansin?" iritang sambit ko at itatapon na sana ito, pero natigilan ako.
'Itapon mo na. Aalis na rin naman ang dahilan ng gumagawa niyan eh.' kumbinsi nang parte sa utak ko.
'Basahin mo muna.' kontra nang kabilang utak ko.
Sa huli mas nanaig yung pagbabasa.
'Ikalabing tatlong Liham (Pebrero 13)'
'Gino Tatlunghari'
Ginoong Gino Tatlunghari;
Ako ulit! Bukas na ang araw ng mga puso! Bibigyan ulit kita ng ideya tungkol sakin.
Ako si tuldok-kuwit na ginagamit sa unahan ng salita. Hihi!
Ako ay may magandang mukha; 'gaya ng kay Maria Clara.
Ako ay may ginintuang puso; paris ng puso ni inang Maria.
Ako'y si Esmeralda.
Nagmamahal,
Esmeraldang Umaasa."Sobrang saya ko siguro kung hindi ko alam ang totoo." sambit ko at natulog na lang.

BINABASA MO ANG
LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14
De TodoAng storyang ito ay tumutukoy sa kung paano nagkakaiba ang tutuldok at tuldok-kuwit. Ito ay nilalaman ng isang kwento na kadalasang pumupukaw sa atensyon ng kabataan ngayon.