Gino POV
Naglalakad ako patungo sa silid-aklatan ng aming paaralan.
'Tutuldok na ginagamit pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham. Gawin ko kaya?' kausap ko sa sarili ko.
'Saan mo naman ipapadala eh 'di mo nga s'ya kilala.' tugon naman ng sarili ko.
'Yanga ano.' sambit ko ulit pero napailing na lang ako ng mapagtanto kong may sira na ako sa isip kasi kinakausap ko sarili ko, sumasagot pa.
Kinuha ko ang libro at kunwaring nagbabasa ako pero umub-ob lang ako.
Wala kaming klase pero 'di pa pwedeng umuwi.
"Nag-aano ka dito?" takang tanong ni Esmeralda pero hindi ko s'ya pinansin.
Naupo s'ya sa tapat ko at umub-ob at pumikit.
"May napapansin ka bang babae na naglalagay ng liham sa gamit ko?" tanong ko na ikina-angat naman n'ya ng tingin sa'kin.
"Wa--wala." utal na sagot n'ya.
"Sige." sambit ko at tumayo na.
Patungo na ako sa silid-aralan para umuwi na.
Pagpasok ko sa silid-aralan namin nakita ko si Martha na may hawak na liham.
"I-ikaw?" tanong ko habang nakaturo sa liham.
"Anong ako? May nagpapabigay sa'yo. Ilalagay ko na lang dito ah. Pauwi na kasi ako." sambit n'ya na ikinangiti ko.
"Sige salamat." sambit ko na ikinatango lang n'ya at umalis na.
Akala ko talaga s'ya 'yun eh may kasintahan na yun.
Naupo na lang ako at sinimulang basahin ang liham.
'Ikalimang Liham (Pebrero 5)'
'Gino Tatlunghari'
'Ginoong Gino Tatlunghari;
Ako po ulit ito. Salamat naman at nasigurado ko nang di mo ito tinatapon.
Alam mo po bang ng dahil sa kasiguraduhan na 'yun, napuno ng tanong ang isip ko.
Ano magandang pambungad sa'yo kung gagawa ako ng pormal na liham?
Kgg. na Tatlunghari:
Mahal na Gino Tatlunghari:
O
Mahal kong Gino Tatlunghari:
Ano gusto mo? Pero kahit ano naman piliin mo sa tutuldok pa rin magtatapos.
Nagmamahal,
Pero 'di mo Mahal."Ahahahahahaha! Pinaninindigan talaga n'ya 'yung tutuldok ahahahaha!" natatawang sambit ko.
Umuwi ako ng may matamis na ngiti sa labi. Pagka-uwi'y ginawa ang mga dapat gawin at natulog na.

BINABASA MO ANG
LABING-TATLONG LIHAM BAGO ANG PEBRERO 14
DiversosAng storyang ito ay tumutukoy sa kung paano nagkakaiba ang tutuldok at tuldok-kuwit. Ito ay nilalaman ng isang kwento na kadalasang pumupukaw sa atensyon ng kabataan ngayon.