Aim 8 "Preparation"

482 42 9
                                    

Tahimik lang kami na nakaupo ni jace sa library habang nagbabasa. Nagprepare kasi ako este kami dahil may quiz kami mamaya sa Science.

Himala  nga siguro na matatawag kasi kanina ko pa napapansin na tahimik 'tong katabi ko at tutok na tutok lang sa kanyang pagbabasa..

"Wow! Grade concious kana!Ano yang binabasa mo?" Masayang tanong ko sa kanya kasi sa wakas nagbagong buhay na ang best friend ko.

"Grade concious your ass! Binabasa ko lang tong plano ko para sa dadating na battle royal,  kailangan mapasama ako sa top 20 best players sa boung pilipinas!" Mahabang paliwanag pa nya kaya napanguso nalang ako. Akala ko nagbago na,  malapit ko pa tuloy syang mabatukan sa sinabi nya.

Ayon sa nakuha kong email na galing sa ROS ay may magaganap daw na battle royal and i bet na ito yung old way of playing ROS na kung saan ay mapupunta ka sa island at kailangan mong makasurvive and what surprise me the most is kalaban mo ang lahat dun, kahit ka nasyon mo pa.

I can't imagine myself fighting to that battleground for the sake of my survival, and maganda naman ang matatanggap mong prize  pag nasali ka sa top 20  survivor players dahil makakatanggap ka ng Gift pack and New Exclusive Clothes and items. And syempre maglalaban din ang top 20 hangang sa isa nalang ang matira. 'coz this game only aim for the last man standing.

Kaya I can't deny the fact that half of me is excited for the upcoming battle royal.

And also,  it was live to all social media platforms including Facebook and YouTube's.

Napairap nalang ako sa ere ng tinutok nanaman nya ang sarili nya dun sa plan nya daw para mapasali sa top 20 gusto talaga nyang e-sure na mapasali dun e. Grabeng bata.

Napagdisisyunan kong bumili muna nang snack since nakaramdam na ako ng gutom. Nagpaalam lang ako kay jace at tinanguan lang ako nito bilang sagot.

Gano'n parin ang nangyari, marami paring nag uusap tungkol sa Ros, yung iba tungkol  sa babaeng tinalo yung taga red ember na players and ako yun , meron din yung tungkol sa battle royal kung ready na baraw sila sa dadating na patimpalak at marami pang iba.

Medyo di na ako naiirita kasi di na naman ako na O-Op sa kanila kasi alam kona ang pinaguusapan nila. It's somehow feels good dahil for sure kapag dumaan ka dito sa lugar na tapos di ka naglalaro.. well good luck, kakainin karin ng Curiosity mo.

Habang bumibili ako napansin kong biglang may tumabi saakin and muntikan na akong tumakbo dahil sa nakita ko.. It was bryan and he's smiling to me? kaya mabilis kong ilininga ang ulo ko kasi ayaw ko naman mag-assume.

And i realize na ako lang pala ang nakatayo sa canteen habang sya ay nakangiti saakin.

"Hey" simula nya kaya medyo kinabahan ako!

"H-hey" sagot ko pabalik,  kaya napatawa sya bakit ba kasi ako nautal.

"You're Cute" Sabi nya at tumalikod na habang ako? Well tulala parin habang di magawang e-digest sa utak ko ang sinabi nya..

"He gotta be kidding me"mahinang bulong ko sa sarili at mabilis kinuha ang inorder at ti-nake out, hindi ko kaya pag nanatili pa ako dun,and  I can feel that im now turning red. Dalaga na ako.

Pagbalik ko kay Jace naabutan ko syang nagliligpit ng gamit tapos na siguro basahin yung plan nya. Pero laking gulat nya ng pagpalo paluin ko sya sa braso dahil kinikilig parin ako!

"Aray! Bespren a-aray! Stop t-that! Ouch" reklamo nya kaya hininto ko na habang di inaalis ang ngiti sa mga labi ko.

"Ano bang problem mo" tanong pa nya saakin kaya bigla tuloy akong kinilig ulit , ay landi.

"Si Bryan.. nag hey saakin" at di ko na mapigilan mapatili kaya sinaway ako ng librarian dahil para mapatakip ako sa bibig ko. At tinignan ko si jace biglang nagbago ang mukha nya. Bigla nalang kumalma.

"Kayong mga babae.. di ko alam kong anong nagustuhan nyo sa kanya eh simple engineering student lang naman yun eh at nasali lang sa varsit--" I cut him.

"That's it!Given nang pogi sya at  Engineering student and nagkataong nasali sya sa varsity kaya dagdag points nasaamin yun!" Paliwanag ko pa.

"Kadira ka!" Singhal pa nya at umaktong diring dira sya ngayon at grabe kung makatingin saakin. O.A'

Pagbalik namin sa room ni Jace na ngayon ay parang di parin makapaniwala sa narinig nya at umaktong pa syang nasusuka habang naglalakad kami. 

Nakasalubong namin ang proff namin sa Math habang tinatahak namin ang  hallway. Kaya nagbigay galang kami.

"Oh miss del valle?" Tawag nito sa'akin.

"Yes sir?" Sagot ko kaya napahinto kami ni Jace sa paglalakad.

"Ikaw pala ang napili ko bilang kalahok para sa darating na MathSCi Quizbee since ikaw ang nakakakuha ng mataas na grade, game ka ba?" Paliwag nito sa akin kaya napakamot nalang  ako.

"Game po sya! Game po sya sir" biglang singit ni Jace sa gitna ng pagdedesisyon ko, baliw na bata.

"Tama ba? Ms. Del valle?" Paninigurado nito kaya wala na tuloy akong choice."ah Opo sir!" Sagot ko nalang.

"Good, there will be a  screening dun sa SCIENCE building together with the engineering student and nursing student, don't be late!"Sabi nito kaya tinanguan ko nalang bilang sagot.

Saktong pagtalikod ni sir ay pinagpapalo ko ang braso ni jace.
"Baliw ka! Bakit ikaw ang nag desisyon saakin ha!" Sabi ko habang nakapamewang

"Ikaw talaga bespren, di ko alam kong kaibigan ba talaga kita oh ano.. e sadista ka masyado e." Nakangusong reklamo pa nito kaya natawa nalang ako.. Cute.

"Sinali kita dahil wala kanamang ginagawa.. hindi kanaman naglalaro kaya mabuti naring may libangan ka and for sure mapapasama ka sa tryout sa talino mong yan.. makikipag debate ako kay momo tungkol sa kamatayan pag di ka nasali." Mahabang paliwanag nito habang nakangisi. Kahit kailan talaga tong lalaking to kaya napatawa nalang ako.

He never failed for making me happy, that's why I will never be happy without my best friend in my side.

"Diba bespren ang tali-talino ko! I'm wondering kung bakit di ako inimbita ni sir sa tryout para sa Math and Science quiz bee" pagmamayabang pa nito saakin kaya napailing nalang ako.

Pagdating ko sa bahay naabutan ko si mama na nagluluto. "Ma!kasali po ako sa tryout sa darating na quiz bee" masayang sabi ko dahilan para mapangiti si mama.

"Talaga, good luck anak! Ayosin ang pag-aaral ha." Sabi nya kaya natuwa naman ako kasi naging masaya si mama sa ibinalita ko at I can see it in her eyes na nagsasabing proud na proud sya saakin.

Di nagtagal dumating narin si papa at saktong nag aayos na kami ni mama ng hapag. Kaya kumain kami habang kinekwento  ko sa kanila ang nangyari sa boung maghapon ko and after that umakyat na ako and bid my goodnights to them, nagbasa muna ako ng libro tungkol sa Science napagdisisyunan ko kasing di muna ako maglalaro ngayon. Bukas nalang siguro. Kaya marahan kung binagsak ang katawan ko at mabilis na nakatulog.










 Rules Of Survival Online (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon