Aim 20 " Compound Bow and arrow"

320 35 9
                                    

Agad na e teleport ang diwa namin sa isang isla. 100 players lang ang pwedeng makasali sa larong to bawat nasyon. Kaya we are in total of  400 participants for Gem Mode Challenge.

At ngayon ko din lang nalaman na di pwedeng isama ang companion mo. Kaya medyo na lungkot ako kasi di ko makakasama sa ngayon si Sakura.

Magsisimula na sana akong maglakad ng Makita ko si Blazing_Ice sa harapan ko at nakakunot itong tumingin saakin kaya tinaasan ko sya ng kilay. "At anong problema mo?" Masungit na tanong ko sa kanya pero pinasadahan lang ako nito ng tingin at tumalikod..

Aba't! Pero medyo nakalayo na sya ngunit tanaw ko parin ang kinaroroonan nito, pagkatapos ng ilang hakbang at huminto sya at nagbalik ng tingin saakin at ngayon ay tinutukan na ako ng isang DSLR Riffle. Isa itong sniper gun kaya agad na napatayo ang balahibo ko sa batok. Nalaman ko rin kasi na sya ang may pinakamalaking negative na reputasyon sa nasyon.

Binabaril nya kasi ang gusto nyang barilin given ng siya ang Top 2 Survivor na mayroong 60 kills na syang pinakamataas na kill, pumangalawa lang ako na 57 kills at Top 4 at sumunod ang Top 1 na nanggaling sa Firenation na may 50 kills. And take note he is the former king of snow nation.

And all kings are dangerous..

Pumutok ang baril nito patungo sa deriksyon ko and I don't know kung bakit di ko magalaw ang katawan ko at laking pasalamat ko na  iba ang natamaan nya at ito ang nasa likod kong puno kaya agad ko itong tinignan it's was shocking dahil  ngayon ay nagkaroon ng maliit na butas at parang binabalot ang kabuuhan ng puno ng yelo.

Ice bullets!

He looks so calm pero mas brutal sya saakin, nagkasama naman kami before sa isang quest and I think he's just a normal player with skills pero meron pala syang bad reputation.

Ngumisi sya saakin na parang nang-aasar dahilan para matauhan ako at mapatingin sa kanya. ' ano naman ang kasalan ko sa'kanya?' tanong ka sa isipan ko dahil medyo di ko absorb ang nangyayari.

Pero agad kung inayos ang sarili ko para di mahalata na kinakabahan ako, i put my both hands at the back at naglakad papalapit sa kanya at nang makalapit na ako deritso lang itong nakatingin saakin at naglakad din sya papalapit kaya napahinto na ako.

Why bother? Kung lalapit din naman sya!

Ramdam ko ang tensyon sa mga tinginan na pinupukol  ng mga tao sa amin. Matakaw talaga ako sa atensyon, ng makalapit na sya saakin ay huminto din sya sa harap ko medyo napa tingin ako sa taas dahil ang tangkad nya eh, 6 footer siguro pero di naman malaswa tingnan.

Medyo yumuko sya ng konti para magka-pantay kami at ramdam ko na ang hininga nito sa tenga ko and he whispered something that scared the hell of me! Kaya napatigil ako at seryosong tumingin sa kanya Pero di ako nagpahalata dahil agad itong naglakad sa airplane dahil dadalhin na daw kami Sabi ng announcer kaya naglakad narin ako papasok.

Di ko maalis sa isipan ko ang sinabi nya. The heck! seryoso ba sya? Waah! Ayoko! I hate him! I hate him.. Ihahampas ko pa sya sa kapwa nya Yelo eh!.

Bigla akong natauhan ng magsalita na ang Screen na nasa eroplano at nakikita namin ngayon ang isang animated na babae na naka business woman na attire.

"Good day, Hunters! And Welcome to the New Gem Mode Challenge!" Mahabang Sabi nito at nangibabaw ang sigawan sa loob, ramdam mo sa kanila ang excitement sa magaganap kaya nawala sa isip ko ang sinabi ni Yelo.

"Listen to the direction! Each player will receive 1000 gem for each pocket starter, your goal is to eliminate your opponents and take that 1000 gem from them, it means your pocket money will multiply depends on how many opponent did you eliminate.

Grab there death box and let's rock and roll hunters!" Kaya nagpukol agad ng masamang tinginan ang lahat at nang mapatingin ako sa gilid ko ay nakita ko ang dalawa kong bruhang kaibigan na ngayon ay nagtaas taas pa ang kilay.

Kaya napailing tuloy ako at napabuntong hininga, mukhang ako ang target ng dalawa..

"Your now entering the                   parachuting area!"

"The blue zone is fatal stay away from it!"

Marami na ang nagsitalunan kasi bitter lake ang safezone at ang iba ay poison area na kaya bawal dun pumasok.. Kaya tumayo na ako pero nahagip ng mata ko si yelo na ngayon ay nakangisi nang nakatingin saakin.  Argghh kaasar sya.. remind me of killing him.

Kaya inirapan ko nalang sya at napansin kong may lumalabas na na text sa taas at laking gulat ko na marami nang namatay dahil sa Poison. Masyado yatang malakas ang poison na to.. tumayo na ako sa pintuan at pikit ang matang tinalon ang lugar, ramdam mo talaga ang hangin na malakas na humahampas sayo habang tumatalon ka and it explain the gravitational force na galing sa lupa dahil nga parang hinihila ako nito sa baba . I find it cool dahil parang na experience mo na rin na parang ihulog sa building at mag sky diving kahit sa laro lang.

I extend my both arms para mahanda ang parachute ko, i open first my watch at nag set ng mark. And I finally grab the handler kaya malayang lumulutang na ako ngayon. Since medyo nahuli ako sa pagtalon i landed sa bahay na for sure may tao, I decided to land in the roof.

Maingat akong nag-parkour sa mga screen nito at sa wakas nakita ko ang taong nagtatago sa likod ng bintana babae sya at may hawak syang bow, naramdaman nya siguro ang presensya ko kasi mukhang nakahanda na syang itira Kung sino ang mag-lalakas loob na sumugod. Nag sign of the cross muna ako at agad na sinugod ang babae. Medyo nagulat sya sa ginawa kong pagbasag sa salamin na kinatataguan nya kaya Hindi sya masyadong nakari-act  kaya nasipa ko sya sa mukha di pa ako nakuntinto sinabunutan ko ang buhok nito at pinagulong ito sa sahig, Kaya hawak hawak nya ngayon ang likod nya siguro  ito yung napuruhan dahilan para mabitawan nya ang pana nya, pumatong ako sa ibabaw nya at pinag suntok suntok ang mukha nito dahilan para mabasag ito na parang salamin.

Kinuha ko ang 1000 gem nya at nagmultiply nga ang gem ko. Kinuha ko ang bow nito at gusto kong maiyak ng sampung arrow lang ang meron sa kanya , buti nalang level 3 ang bag nito at may mga grenade sya na na loot sa bahay kaya ok narin.

Nagulat ako ng may naglakad papunta sa  taas at nakita nga ako nito sinipat nya ako ng pana at buti nalang nag back flip na ako at bumulosok Ang pana sa dingding kinuha ko ang bow ko at ginamit ang dingding para mailagan ang mga tira nito tumalon ako paatras habang sinisipat ang kinaroroonan nya and I release the arrow at saktong tumama ito sa ulo nya dahilan para maglaho din ito kasama sa hangin. Gaya ng ginawa ko sa isa ni-loot ko rin ang death box nito at naagdagan na naman ang gem ko, meron pa syang mid kit and bandages at 15 arrows kaya kuntinto na ako.

Di ko mapigilan na mamangha, siguro chamba ko lang yun na sumapol sa ulo nya, dumaplis naman talaga ang tira ko kaso umiwas sya sa pwesto nya kanina kaya natamaan tuloy sya, akala nya naman na asintado ako kung tumira.

Nagtago muna ako sa kwarto dito at nagpa heal ng sugat, nadaplisan kasi ako kanina at nabawasan ang health ko buti nalang likas na malikot ako kaya nagugulo ang pag asinta nya. Nang ok na ang sugat ko at napuno na ulit ang bar ko maingat na sumilip ako sa bintana. Marami nang nagaaway at tunay ngang magagaling sila , eh kumusta naman ako di ako magaling dito, buti kong baril to, iisipin ko nalang ba na ako si Miya ng Mobile legends? Ambisyosa ko masyado eh! Hindi naman nauubusan ng bala Yun eh.

What if...........I fight using my bare hands. Do I really need Compound Bow and arrow?

Or I will just sneak out their gems and run?...........

 Rules Of Survival Online (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon