Lara Pov
Mahigit isang oras na ang dumaan at limampu nalang ang natira na manlalaro. Lumiliit narin ang safe zone at ang nakakatawa pa dun ay marami ang namatay na manlalaro dahil dun.
Di maalis sa'akin ang pagka-excite sa mga nagaganap at sa magaganap pa lamang, ramdam ko ang intensidad ng ilan at hindi ito ang tamang oras para magtago nalang, dapat ay mabawasan kami para masali ako sa Top 10 na survivor.
Hinanda ko ang sarili, inayos ko ang pagkatali ng buhok ko at pinagpagan ang mga nadumihang bahagi ng damit ko, linagyan ko ng mga magazine ang mga baril ko at siniguradong puno ito bago ako sumalang sa baba. Kinasa ko na rin ang handguns ko at inayos ang pagkalagay ng katana ko sa likod.
Nag-simula na akong mag-asinta sa Terrace ng bahay nato, di ko akalain na masubukan ko ang pagiging sniper. At masasabi ko ngang mahirap ito, ngunit nagdadala naman ng tuwa pag natamaan mo sila sa isang bala.
I ready my barrett same as myself. Nang may nakita akong player na maingat na naglalakad sa likod ng kaharap kong bahay. I extend my scoop at saktong nakaharap na ito saakin, I shoot him and then a loud sound cover the place. Nabasag ang taong yun na parang salamin and then a red text appear in front of me.
"51 kill"
49 players left. katahimikan ang bumabalot sa lugar at tanging tunog lang ng dumadaang eroplano ang maririnig, binuksan ko ang map ko at nabigla ako sa aking nakita dahil papunta na sa deriksyon ko ang GreenZone or Poison at ang Safe zone ngayon ay naka-locate na sa Observatory. Kaya tinalunan ko ang 2nd floor ng building at agad na kinuha ang Thompson na baril ko. Maingat akong sumulong sa kabilang bahay, naabutan ko ang dalawang tao na mukhang nagmamasid kaya di kona sinayang ang oras at mabilis na pinaulanan ko ang mga nasa loob na ng bala dahilan para magulat sila, ngunit huli na dahil mabilis silang naglaho sa hangin.Umakyat ako ng bubong, inayos ko ang sarili at tumalon sa kabilang bahay kinuha ko ang smoke grenade ko at tinapon ito sa loob kasabay ng pagpasok ko, narinig ko agad ang pag-ubo nito kaya tinungo ko ang deriksyon nya at tinuhod sya na naging dahilan para mapadaing ito, ngunit di pa ako nakuntinto kinuha ko ang kamay nya at binalibag ko sya paharap kaya knockdown na sya ngayon, pero di ko sya tinuluyan kasi alam kong may kasama sya. May namoung idea na nabou sa utak ko pero wala itong kasiguraduhan na gagana
Malakas na sinipa ko ang bintana dahilan para mabasag ito at hindi nga ako nagka-mali nagpaulan nga ito ng bala patungo sa deriksyon ko pero nagawa ko itong ilagan, patuloy lang ako sa pag-ilag habang tinatancha ang layo ko sa kanya, nang makita ko na ang signal ay pinatong ko ang dalawa kung paa sa bintana at maayos na nag-backflip sa ere sabay ng pagkuha ko sa aking katana at mabilis na sinaksak ito sa kanya, ginamit ko rin ang isang katana ko at binato ito sa isa na nakalumpasay ngayon na dahilan para mabasag ito na parang salamin.
Kita sa mata nya ang pagkamangha pero di ko yun pinansin.
"Ang galing mo Cyber" Sabi ng lalaking nasasaksak ko pero tinanguan ko lang sya, bumwelo muna ako at pinatikim ko sa kanya ang black widow kick ko na naging dahilan para maglaho sya sabay sa hangin.Ginamot ko muna ang sarili ko gamit ang bandage kasi kunting galos lang naman ang natamo ko, pagkatapos nun napagpasyahan kung bumaba na at lumabas ng bahay. Tumakbo ako sa malapit na bahay at laking pasalamat ko ng may nakita akong motor dun kaya walang pag-alinlangan na kinuha ko yun at Pinaharurut ko ito ng mabilis.
Habang tinatahak ko ang daan patungong observe ay biglang may bumabaril sa sinasakyan ko kaya kaya mas binilisan ko ang pagdadrive na halos lumipad na ang sinsakyan ko dahil sa mabilis na pag-paandar ko dito.
BINABASA MO ANG
Rules Of Survival Online (Complete)
Science FictionIn Year 2030. Ang R.O.S or mas kilala nating rules of Survival ay kilala na sa boung mundo anim na taon na ang nakaraan. Hindi maipagkakaila ang kagandahan ng mga graphics at ang concept ng laro kaya maraming nahuhumaling o tumatangkilik na mga kab...