Aim 21 "Sneaky CyberMajesty"

313 40 1
                                    

"What if I sneak out of their gems and run!"

Yes! That's it! since 'di ako magaling dito yun nalang ang gagawin ko. What is the use of surviving if I don't get those gems from them. Maghihintay nalang akong may matalo at ako mismo ang kukuha nun ng gem na yun. Co'z that is the game was all about. And I badly want it. And stealing is not bad here.

Dahan dahan akong naglakad pababa ng hagdan, dumaan ako sa likod ng bahay dahil sa harapan ay nagkakagulo na, marami rami pa naman kaming natitira. Sumilip ako sa likod ng sirang pader at nakita ko ang tatlong nagpapatayan, medyo may nakakalamang sa kanila at ito yung lalaki. Taga firenation sya kasi sa sout nitong headband na may logo. Natalo nya ang dalawa at pupuntahan na sana nya ang death box para I loot kaso huli na sya dahil nasipa ko na ang pagmumukha nya dahilan para matumba ito at makabeso ang lupa.

Kahit nga ako gulat sa nagawa ko eh! Dala siguro ng adrenaline rush kasi di ko gusto ang maagawan, kahit ako naman talaga ang mangaagaw.

Aakmang susuntukin nya ako sa mukha kaya napangisi nalang ako. Wrong move,  Dito panaman ako magaling. Nailagan ko ang suntok nya pero di nya nailagan ang pagtumbling ko patalikod dahilan para matamaan ang nguso nito. Kunti nalang pala ang life ng loko Kaya agad itong nabasag na parang salamin kaya na loot ko ang tatlong death box.

6000 gems na ang meron ako kasama na ang pocket gem ko at feeling ko kontento na ako dito. Pwede na akong matalo.

Maingat akong naglakad sa mga nag-aaway na players kasi lumiliit na ang safe zone. May nadaanan pa akong dalawang  death box at luckily may laman ito nagpatayan siguro ang mga ito at sabay natalo. Iling iling akong kinuha ang mga loot habang di mawala ang ngisi sa labi , pagkatapos kong kunin yun lahat nagpalinga linga muna ako sa paligid dahil baka may kalaban, mahirap na baka sinisipat na ako nun . Sinulyapan ko ang mapa ng island sa watch ko at pansin ko nang na nasa Apartment building ang stop ng safe zone.

Kaya mabilis na tumakbo ako patungo dun. Dahan dahan akong tumalon sa bintana at pinasok ang loob, ramdam ko ang maraming footstep na naririto kaya nagtago muna ako sa likod ng pintuan.

Saktong bumukas ito at may lalaking pumasok at sinira ang pintuan habang hingal na hingal , nagpahinga din ang loko. Di nya siguro napansin ang presensya ko. Eh magkatabi lang kami, tinitigan ko muna ang mukha nito.. mapupungay na mga mata, maputi ang balat, matangos na ilong mapula na labi........

Kaya gulat ako ng makilala ko sya, kinurot ko pa sarili ko at tama nga ako si....  "kuya!"sigaw ko  sabay hampas ko sa balikat nya kaya napatalon sya sa gulat at tinutukan ako ng bow, pero di ako nagpatinag pinanlakihan ko sya ng mata.. "Lara princess ikaw ba yan?"

"Ou, nakalaro ka pa pala..
Akala ko ba maaga ka pa bukas hala ka..isusumbong Kita kay momshie!" Panankot ko pa sa kanya habang ginagalaw ko ang hintuturo ko sa kanya na para bang nanakot.

"Sige isumbong 'di kita bibilhan ng pasalubong!" Sabi nya pa..

"Luh? May sinabi ba ako na isusumbong kita, wala naman ako sinabi ah! Sabi ko pogi ka..  kuya yung pasalubong ha.. wag kalimutan.." medyo nag heheristical an ako dahil baka di ako makatanggap ng pasalubong huhu.. pero natawa lang sya..  may nakakita saamin na player na nakasilip na ngayon sa bintana kaya laking gulat ko na inaasinta na kami nito

Pero mabilis na pinatamaan ni kuya ang kalaban gamit ang bow niya and it was really amazing, nakakamangha masyado..Kung ako magaling sa short distance sya naman sobrang galing sa long distance, we're undeniably opposite, Yan kasi ang sport nya Darts and archery, gold medalist pa nga  yan sa Taiwan.  Eh ako hindi pa nakaka compete sa labas ng bansa.. 

"Princess , anong IGN mo?" Tanong pa ni kuya since di mo naman makikita ang ign ng mga players sa nasyon mo lang yun mag-aapear. I decided na sabihin sa kanya kasi kapatid ko naman sya.

 Rules Of Survival Online (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon