Aim 37 "Level Up"

256 26 1
                                    

'Gulo' para saaming dalawa ang naganap kagabi, nakaka asar lang talaga eh! Bakit ba nila naisipang pagplanuhan ang kahapon at pano sila nag kilala?

"Aray ko po!" Reklamo ko pa nang may bumanga saakin sa likod habang tinatahak ko ang main gate,. Di ko namalayan na huminto pa talaga ako para lang iisipin yun. Well infact kanina ko pa talaga yun iniisip buti nalang naka balanse ako, siguro di pa talaga ako naka get over sa nangyari kahapon.

Hindi man lang nag-sorry ang taong yun, Nag Silabasan na kasi sila at mukhang nagmamadali talaga, itong college campus tuloy mukha nang Elementary dahil sa pagtutulak tulak para lang maka labas. Tch!

And I think I have the idea kung bakit sila nagmamadali. Well bukas lang nanaman gaganapin ang 2nd Battle royale, kahit nga ako e, gusto ko na mag-online para mag-pa level pa. Sa RoS Kasi Rank matter the most.

"Hoy bruha!" Someone tap me from behind at Alam kong si lory yun.

"Ano?" Nakakunot ang noo kung tanong sa kanya, palagi nalang nyang tinatawag ako na bruha ang ganda ko kaya.

"Hehe! To naman, handa ka naba?" She asked.

"For what?" I answer innocently.

"For the upcoming battle royal?" Kaya napatango naman ako.

"Yea! Ikaw?" I ask back.

"Hmm, ewan! Kinakabahan parin ako e" Sabi nya habang naglalakad kami at umupo sa upuan ng waiting shed. Wala pa kasi sundo nya. " You know that maraming naglalakasang player ang nandoon, di tulad ng na una, palaging may bot. Pero ngayon wala na dahil sa pagiging over populated ng laro." Kaya napatango naman ako bilang pagsang ayon.

Well in fact! More than 550 Billion players na sa boung asya. And according to research every day may dumadagdag na namang bago. Kaya No wonder na ito ang pinaka anticipated na laro para sa mga gamers.

"Alam mo may trick yan eh para manalo." Sabi ko pa kaya bahagya syang nagulat at napatingin saakin.

"Ch-ch-cheater ka?" Sabi nya dahilan para mabatukan ko nga, Cheats are not allowed anymore. Masyado nang Secured Ang laro di gaya ng dati.

"Ouch! Sadista ka talaga!" She exclaimed pero natawa Lang ako. At nag peace sign nalang ako para di magalit.

"Alam mo ang trick dyan ay---Confidence, all you need is confidence if you're in the battle field, show them that you are strong and worth to get respected at isa pa learn to play with sportsmanship. Believe me nakakatulong yan." I said kaya napatango ito, ilang sandali Lang at dumating na ang sundo nya Kaya nagpa-alam na sa isat Isa. Magkita nalang daw kami sa laro.

Pagdating ko sa bahay ay nakita kong may niluluto si mama kaya lumapit agad ako dito, pero di pa man ako naka-abot ay may brasong agad na pumulopot sa bewang ko at ang isang kamay nito ay nasa aking bibig. Di agad ako naka-react sa sobrang bilis dahilan para kabahan ako.  Idinikit ako nito sa dingding, di naman masakit ang ginawa nya at Hindi ko rin maaninag ang mukha nya dahil naka hood ito at naramdaman ko nalang ang isang matulis na bagay na ngayon ay naka-dikit sa balat ko.

I composed myself at linibot ang tingin sa boung sala upang makahanap ng pamalo, ngunit ganon nalang ang pagka kunot ng noo ko ng mapansin ko ang lugar.  Makalat, may mga colored paper at mga bond papers, Card boards, pastels sa ibabaw ng centered table, may glue din sa ibabaw nito,  at isang loptop at pares ng Notepad na di naka-ayos ang pagkalagay.

Anong nangyari dito?

"Hahahahaha!" Isang mahabang tawa ang pinakawalan ng taong katabi ko at napagtanto ko agad na ito yung kapatid ko. This bastard. I forgot na byernes ngayon kaya makaka-uwi sya.

 Rules Of Survival Online (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon