Oceane Flaire Ezquiruel's POV
Mali.
Maling mali na hindi ako sumabay sa mga sipsip kong kapatid papasok sa school.
Nalimutan ko na maynila na nga pala 'tong papasukan ko tas tinaasan ko pa ang pride ko at di sumabay sa sasakyan nila.
Muli kong nilibot ang tingin ko sa malawak na kalye na kinatatayuan ko. I don't even know where am I! Kung anong street ba 'to or anong parte ba ng Maynila 'to. Ang Instruction lang naman ni papa sa akin sumakay sa van sa may highway!
And oh, instruction din pala ng mga kapatid ko na wag na ko pumasok dahil tanga ako sa direksyon.
I gave up. Magbobook sana ako ng sasakyan papunta sa school kaso pagbukas ko palang ng cellphone ko ay may notification na walang sim na nakasalpak doon.
Walang hiya, ninakaw nanaman ni Kuya River sim ko.
Parang gusto ko na pumatay ng tao. Nanggigil na ako.
Wala na akong ibang nagawa kundi mag abang ng bakanteng taxi na dadaan. Gustuhin ko man mag bus para malaman ang daan, wala naman akong time dahil malelate na ako.
First day na first day late ako? wth!
Umupo ako sandali sa isang waiting shed at kinuskos ang aking sapatos sa sahig dahil sa kaba at inip.
It took only 10 minutes bago may humintong taxi sa harap ko. Nagmadali naman ako pumasok don dahil wala na ako time magpakakupad.
Makita ko lang talaga yung tatlong pesteng kapatid ko at sisipain ko sila. Isususmbong ko na din sila kay Papa dahil niligaw at sinabotahe nila ako!
"Kuya, Southern Wing University." Sabi ko sa driver.
"Ma'am, medyo malayo po 'yon. Imemetro ko nalang po kayo," tumango ako. Wala na akong pake kung mahal babayaran ko dahil pag nasumbong ko kay Papa ang ginawa ng mga kuya ko ay paniguradong babayaran nila ako.
Hindi ako mapakali habang nasa loob ako ng sasakyan kaya muli kong kinuskos ang sapatos ko sa sahig ng taxi.
Kanina pa tingin ng tingin yung driver sa akin tapos ay may kakaibang spray pa siyang hawak. Hindi ko alam. Wala akong masabihan ng plate number dahil wala akong pang text.
Nang matanaw ko ng di masyado malayo ang school, pumara na agad ako. Nag abot ako ng 500 na buo at hindi na kinuha pa ang sukli kahit 350 lang naman ang kailangan ko bayaran.
Nagmadali akong lumabas at tumakbo papunta sa direksiyon papuntang school. Sobrang oa ko pero naiiyak ako. Kinakabahan dahil baka di ko mahanap sina kuya tas kailangan ko nanaman mag taxi pauwi.
Pinupunasan ko ang luha ko habang naglalakad kaso biglang—
"Ouch!" daing ko ng may maramdaman ko ang kapirangot na kuryente sa may braso ko. Hinawakan ko 'yon kaagad at tumungin sa kaliwa ko, Nakita kong hawak din niya ang braso niya.
"Sorry"
"Sorry"
Sabay naming sabi. Madalas naman 'to nangyayari but still it felt weird.
Dahan dahan ko tinanggal ang hawak ko sa braso ko pero muling nagdikit ang aming mga braso at muli ko rin naramdaman ang kaunting kuryente.
Tumingin siya sa akin sandali bago binilisan ang lakad at mauna sa akin.
Siguro dahil ito sa pagkuskos ko sa sapatos ko. Paliwanag sa 'kin dati ni Kuya Stream na ganon daw 'yon eh.
Tanaw na tanaw ko na ang entrance ng SWU at kahit excited ako pumasok sa loob, nagdahan dahan akong maglakad.
