Chapter 7

38 11 6
                                    

a/n: hello issa big skrrRRT enjoy reading ! :)

1st semester's second quarter started so fast. Wala na akong time para magdusa sa mga scores ko sa exam.

Papa and Kuya Stream scolded me a little with some of my exams but it's okay. I should do better next time.

It was still 6 am when I entered SWU. Maaga akong umalis sa bahay dahil walang pasok sina kuya kaya kailangan ko mag commute.

"Good morning, ho!" the guard greeted me.

"Magandang umaga, kuya," I greeted back with a smile.

Wala pa masyadong tao dahil masyado pang maaga. Tahimik akong pumasok sa elevator kasama ang iilang estudyante.

Walang katao tao sa hallway namin. Yung ibang classrooms ay madilim at walang ilaw. Buti nalang merong ilaw sa room namin kaya nakapasok agad ako.

Pumunta na ako sa may upuan ko at medyo natuwa ako nang napansin na wala pa 'don ang bag nina Owen at Luis. Ibig sabihin, pwede ko malinis locker ko. Parang anytime kasi lilinisin na din 'yon ni Owen dahil nireremind niya sa akin 'yon araw-araw.

Inayos ko ang pagkasalansan ng mga libro ko pati ang portfolio na may laman ng lahat ng papel ko.

I felt something is vibrating in my pocket so I immediately took my phone out.

Mayor Owen:

Hey, wru?

Basa ko sa text na nasa notification. I simply replied that I'm in school na. Probably, mamayang 6:40 or something pa dadating 'yan si Owen.

Before I could even put my phone in my pocket, it vibrated again.

Mayor Owen:

Great. Can you buy me water?

I rolled my eyes. Gawin ba naman daw akong utusan?

Flaire:

Why?

Segundo pa lang ang nakakalipas mamg muli siyang magreply.

Mayor Owen:

Just finished training. I'm too exhausted to the cafeteria so please :(

ps. nasa court ako.

Napailing ako nang mabasa ko ang text niya. Good thing I wasn't in a bad mood so I replied 'okay'. Besides, I'm going to buy sandwich din dahil hindi pa ako nag aagahan.

Mabilis kong binalik ang gamit ko aa locker bago ko kinuha ang wallet ko sa bag at bumaba papuntang cafeteria.

I bought my sandwich and three bottles of water. One is for me since I forgot my tumbler and for sure nandoon din si Luis. Knowing the two of them, never naging uso ang tumbler sa kanila.

When I entered the basketball court, I saw junior high school students together with some familiar senior high school students were exhausted while sitting in the benches. Their training must be really hard.

On the other side of the court, I saw Owen sitting on the bleachers with some of his team mates. Agad akong pumunta 'don.

"Hey," I called his attention. Nang tumingin siya sa akin ay agad kong binato ang bote ng tubig sakanya. Buti nalang at nasalo niya.

"Thanks bff," I rolled my eyes.

"Wow, sana all may bff na nagbibigay ng tubig!" pang eepal ni Luis na katabi ni Owen sa bleachers.

"I bought one for you din," I showed the other bottle of water before I hand it to him.

"Hala, salamat, Flaire! Kami talaga tunay na mag bff ni Flaire," sira ulong sabi ni Luis bago niya buksan at laklakin ang tubig na para bang uhaw na uhaw siya.

Sparks EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon