Chapter 5

40 12 1
                                    

"Flaire!" narinig kong may tumawag sa akin pero 'di ko pinansin dahil umiiyak ako.

Kung may galit siya sa akin, wag niya idamay acads ko.

Simpleng bagay kinagagalitan niya.

Ang immature immature niya. Nakakainis.

Nakita ko sina Kai at Nico na kumaway sa akin pero nilagpasan ko sila dahil sa pag iyak ko.

"Flaire!" Naiirita akong lumingon sa kung sino man ang paulit ulit na tumatawag sa akin.

"Ano nanaman ba?!" Sigaw ko ng makita ko na si Owen 'yon.

Wala akong pake kung nagkakacutting na ako. Yung reviewer na 'yon... Pinagpuyatan ko 'yon tapos itatapon lang?! Tapos mapag iinitan nanaman ako ni Miss Fabio?!

Sumasakit ang ulo ko dahil wala pa akong ayos na tulog. Bukod sa Gen Bio na reviewer, nandoon di yung Earth Science. Alam naman niyang mahina ako don tapos doon niya pa ako pinagttripan.

"Sorry," nakayukong sabi niya. Umiyak lang ako dahil sa inis. Ayoko siyang kausapin. "Yung reviewer mo, nakuha ko 'yon. Pinasa ko na."

Mas lalo naman akong nainis sa sinabi niya. Kinuha naman pala niya yunh reviewer ko! Hindi niya nalang sinabi kanina pa nung hinahanap ko yung pad ko!

Aatras na sana ako kaso namali ako ng apak kaya natapilok ako at napaupo sa sahig. Jeez, kagagaling lang ng pasa ko sa mukha tapos ngayon matatapilok naman ako?

Hinawakan ni Owen ang balikat ko at inalalayan akong tumayo.

"Bitawan mo 'ko," matapang na sabi ko. Hindi padin nawawala ang inis ko sakanya at hindi ko kailangan ng tulong niya.

Hindi niya ako pinansin at biglang binuhat na para bang sako lang ako. Buti nalang at nakapantalon kami ngayon!

Gusto kong magreklamo kaso madaming tao sa linalakaran namin kaya naalala ko yung sinabi ni Marilo sa akin nung isang araw kaya tinago ko na lamang ang mukha ko.

Di ko alam kung saan kami dumaan at kung saan niya ko dadalhin. Basta nalaman ko nalang na nasa clinic na kami ng ibaba niya ako sa malambot na sofa.

"Ma'am natapilok po," sabi ni Owen. Agad naman tinignan mg nurse ang paa ko at kumuha ng yelo. Binigay niya 'yon kay Owen at sinabing ilagay sa paa ko ng ilang minuto.

"Ako na," pag aagaw ko sa yelo.

"Sorry na nga kasi," parang bata na sabi niya. Anong sorry? Nakakain ba non lahat ng ginawa niya sakin sa buong tatlong araw?

"Akin na nga," Hindi ko pinansin ang sinabi niya at akmang aagawin ang yelo na hawak niya pero iniwas niya 'yon.

"Hindi, bati muna tayo," matigas na sabi niya at tinuon ang pansin sa paghawak ng yelo.

"Ayoko nga. Ang kulit mo naman," naiinis na sabi ko.

"Bakit ayaw mo? Sorry na nga, eh," Okay, bakit parang siya pa 'tong galit?

Huminga ako ng malalim dahil kung gusto niya malaman kung bakit ayaw ko tanggapin ang sorry niya, edi sasabihin ko!

"Hindi mo ba alam ilang ballpen ang nawala—"

"Nasa akin lahat ng ballpen mo, ibabalik ko sa 'yo," pagpuputol niya sa sasabihin ko.

"Eh yung mga intermediate pads—"

"Bilang ko mga naubos ko, papalitan ko," muli niya pagsabat sa sasabihin ko.

"Ilang beses din ako napag initan ni Miss Fabio—"

"Hindi ko naman kasalanan na trip ka niya pag initan, ah," nakasimangot na sabi niya.

"Pwede ba patapusin mo muna mga sinasabi ko?!" inis na sabi ko. "Hindi mo din ba alam gaano kasakit yung ulo ko nung tinamaan mo ng bola? Ha?"

Sparks EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon