a/n: here's another lame chapter skrRRT.
Alas kwatro ng sabado, seryosong seryoso kami nina Kuya River at Kuya Stream na hawak hawak ang aming mga cards sa isang table sa game room na para bang may tong its na tournament na nangyayari.
"Kuya, may 8 na diamond siya," pang eepal ni Gulfred na pinsan namin. Binatukan ko kaagad siya dahil kanina pa niya ako sinasabotahe.
Kanina pa kami naglalaro dito na para bang wala akong exam sa Monday. 'Di din naman ako makatanggi dahil ang pinakamadaming talo ang siyang maghuhugas ng plato.
"Ano ba 'yan, guys? Keep up naman tayo diyan," mayabang na sabi ko nang manalo nanaman ako.
Bumukas naman bigla ang pinto at lumapit si Kuya Lake sa gawi ko. Kinuha ko naman ang baraha na ipinamigay ni Kuya River na kanina pa talong talo.
"Tama na 'yan, may exam ka pa," sabi ni Kuya Lake na kaagad inagaw ang mga baraha ko at hinila ako patayo. Pumalit siya sa inupuan ko.
"Isa na lang, dali na!" pagpupumilit ko. Hinatak ko siya paalis ng upuan kaso hindi ko siya kaya lalo na't tinulak pa niya ko palayo.
"May bisita ka sa baba, doon ka na," sabi niya bago itinuon ang kaniyang pansin sa pag lalaro.
Agad naman akong nagtaka. Sino naman bibisita sa akin? Wala naman akong sakit para bisitahin ako. Wala naman din akong kaibigan na malapit sa amin.
Bumaba na ako kahit feeling ko inuuto lang ako ni Kuya Lake. Wala talaga akong maiisip na bibisita sa akin.
"Oceane, buti naman naisipan mo bumaba," dinig kong sabi ni Papa kahit nasa hagdan palang ako. Nagmadali akong bumaba dahil baka magalit si Papa sa akin.
"Bakit po?" kinakabahan na tanong ko. Minsan lang kasi ako ipatawag ni Papa, kapag may ginagawa lang akong mali, ganon.
"Si Owen nandoon sa sala kanina ka pa hinihintay," sabi ni Papa. Nakahinga naman ako ng maluwag. Si Owen lang pala yung nandon, eh.
Teka, ano? Si Owen?
"Pa, si Owen? Kilala mo 'yon?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko maalala na may pinakilala ako kay Papa na kaibigan.
"Kaibigan 'yon ng mga kuya mo diba? Sige na, sabi niya may aaralin pa daw kayo," sagot ni Papa. Napapitik naman ako nang maalala ko na pumupunta nga pala dito ang mga kabasketball nina Kuya.
Pero anong aaralin? Wala akong maalala?
Tumango naman ako kay Papa kaya naglakad na siya papunta sa hagdan at iniwan ako.
Dali dali akong nagpunta sa sala at nakita ko nga si Owen na nandoon na kumportableng nakaupo sa sofa namin habang may hawak hawak na box ng pizza.
"Huy, anong ginagawa mo dito?" bungad na tanong ko sakanya. Tumayo siya ng maayos at iniabot ang pizza sa akin.
"Ayan pizza. Quits na dapat tayo," parang bata na sabi niya. Gusto ko matawa dahil akala niya ata galit pa din ako sakanya dahil sinabi ko na hindi pa kami bati.
Ganto ba talaga kapag Mayor, nabobother pag may galit sakanya?
"Utot mo. Ano ba kailangan mo?" Hindi ko kinuha ang pizza kaya naman pinabigay niya 'yon sa katulong namin na nasa may sala.
"Makikireview lang naman, boss," taas noong sabi niya.
"Wala ka bang bahay? Sawa na ko sa mukha mo," taas kilay namang sabi ko.
"Sa Gen Math lang naman, eh. Dali na, Best friends naman tayo," pagpupumilit nito.
"Ayoko nga. Doon ka magpareview sa jowa mo," Nakita ko ang pagsama ng tingin niya sa akin bago niya pitikin ng malakas ang ulo ko. Siya na nga 'tong makikireview tapos pipitikin niya ako?!
