a/n: sabaw as always. enjoy reading! lol.
It was a usual Monday morning when I woke up early because of my alarm. Kinusot kusot ko ang mata ko at sinandal ang ulo sa head board hanggang sa mahimasmasan ako at mapagdesisyunan na tumayo na at bumaba.
"Ang bango naman niyan, Ate Mariel," bungad ko sa kay Ate Mariel sa kusina dahil sa labas pa lang amoy na amoy na ang niluluto niya.
"Magandang umaga. Pakitignan naman nung gamit ko sa dining table. Nakalimutan ko, eh," utos ni Ate Mariel. Sinunod ko naman 'yon dahil mukhang busy na busy siya sa pagluluto ng agahan namin.
Lumabas ako sa kusina para dumeretso sa dining table at kuhain ang gamit na sinasabi ni Ate Mariel.
Isang maliit na box na may ribbon ang nandoon at ang nakakapagtaka nakalagay sa harapan ang pangalan ko.
"Ate Mariel, ano 'to?" pumasok muli ako sa kusina habang hawak ang box na nasa lamesa.
"Happy birthday!" nagulantang naman ako nang biglang lumitaw si ate Mariel sa harap ko habang may dala dalang maliit na cake.
Nalaglag ang panga ko nang maalala ko kung anong petsa ngayon. What the heck, did I just forgot my own birthday?
"Ikaw talagang bata ka parang gulat na gulat ka na birthday mo ngayon," sabi ni Ate Mariel sa akin. "Hipan mo na."
"Oh," agad akong lumapit sa cake at hinipan iyon. "Thank you, Ate Mariel. Hindi mo talaga ako nalilimutan ginastusan mo pa ako," touched na touched na sabi ko sa kanya.
"Hindi ka pa nasanay sa akin," nakangiti na sagot nito bago binaba ang cake.
Ate Mariel has been working in our house ever since I was a kid. Parang nanay nanayan ko na din siya dahil siya ang kasama ko nung bata pa ako. Siya din ang kadalasang kasama ko tuwing birthday ko.
"Ate! Happy birthday!" naramdaman ko naman ang pagyakap sa likod ko ni Gulfred habang may hawak din na maliit na box sa kanyang kamay.
"Aw, thank you," pagpapasalamat ko nang inabot niya sa kin yon at muling niyakap.
"Oh siya, pumunta na ulit kayo sa mesa at mag agahan," magkayakap kami pumunta ni Gulfred sa dining table. Agad akong napaayos nang makita na nandoon na sina Papa at Kuya na nag aabang sa breakfast table.
"Good morning, pa," bati ko kay Papa bago ako umupo sa tabi ni Kuya River.
"Today's your birthday, right? You and your brothers can have dinner tonight. I'll leave my card to Stream," sabi ni Papa na may hawak na dyaryo.
"Hindi po kayo kasama?" I asked.
"I have work," simpleng sagot nito.
Sanay naman na ako na hindi icelebrate ang birthday ko. Dati pinagbabakasyon lang kami ng mga kapatid ko sa ibang bansa pero habang nalaki ako napansin ko na parang napipilitan lang sila na samahan ako at mas gusto pa nilang pumasok nalang sa school. Simula noon, lagi nalang kaming nagdidinner apat after school.
"Wag nalang po, pa. May training din naman po mamaya sina Kuya," sagot ko habang kumukuha ng kanin na kakaserve lang ni Ate Mariel. Sinabi na sa akin 'yon ni Kuya Lake kagabi para daw umuwi na ako ng maaga.
Hindi na sumagot si Papa at hindi din umimik ang mga mga kapatid ko kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.
Umakyat ako sa taas pagkatapos at naghanda na para sa school. Napagdesisyunan ko na magcocommute nalang ako ngayong araw tutal birthday ko naman.
Sinukbit ko ang bag ko at inutusan si Ate Mariel na ipasabi sa kanila papa na nauna na akong umalis para hindi na ako maabutan ng traffic.
Sakto lang ang dating ko sa school dahil nagbell na agad nang makaupo ako sa upuan ko.