Tatlong linggo na ang nakalipas pero hirap na hirap pa din ako makahanap ng kaibigan sa classroom.
Ang tatalino kasi nila tignan yung tipong acads lang pinag uusapan nila palagi. Parang dapat may sense ka kausap bago ka nila magustuhan. Shushunga shunga pa naman ako.
Si Owen at Luis lamang ang nakakausap ko palagi sa classroom. Sila lang ang malalapitan ko kasi sila lang ang kilala ko. Kadalasan din, nakikireview sila sa mga reviewers ko tuwing may mga quizzes.
Ayoko naman din mag isa kaya sumasama nalang ako minsan kanila Owen. Dinadaldal nila ako minsan para hindi ako ma out of place. So far okay naman silang kasama. Minsan ayoko lang talaga ng maingay.
Ngayon araw, inaya ako ng mga kaibigan ko sa grade 12 mag lunch. Agad naman akong pumayag dahil matagal ko na din silang di nakakasama.
General Biology ang subject ngayon at inaantok nanaman ako dahil gets ko naman ang tinuturo ngayong araw. Kakatapos lang namin mag seatwork at tahimik akong pinasa ang ang fillers ko.
"Magchecheck daw ng notes ngayon, kumpleto ka?" narinig kong bulungan ng nasa harapan ko.
What? Nagchecheck ng notes? Taragis, hindi ako nagsusulat eh!
Tumayo ako para habulin sana ang notebook ko kaso naisip ko na kahit habulin ko, wala pa din akong maisusulat na notes. Napalingon si Owen sakin at nagtataka kung bakit nakatayo ako kaya agad akong umupo.
"Wala akong notes," I mouthed.
He shaked his head, "Lagot ka," he replied.
Isa isang binalik ang mga fillers dahil kaunti nalang ay isusumpa ko na ang subject na ito, ang hirap hirap na nga tapos ang strikta pa ng teacher namin.
Napalunok ako nang madinig ko ang pangalan ko. Hindi iniabot ang filler, pinapunta ako mismo sa harap. Katapusan ko na ata 'to.
"Miss Ezquiruel, Alam ko na you're doing fine in my subject pero bakit di ka nagsusulat ng lecture? Hindi ba't sinabi ko na required 'yon?" Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya napakamot na lamang ako sa aking ulo.
Mag nonotes naman sana ako, kokopya ako kay Owen o Luis kasi hindi naman ako nakakasulat sa mismong klase dahil malabo ang mga nakasulat sa board.
Isang linggo pa lang naman klase, bakit kailangan mag check agad.
"Malabo po kasi," sabi ko habang tinuturo ang white board. Tinaasan ako ng kilay ni Miss Fabio. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo, hala babatukan ba niya ako?
Pumikit nalang ako pero naramdaman kong nilagpasan niya ako kaya minulat ko muli ang aking mata.
"Marilo, lumipat ka sa likod. Ezquiruel, diyan ka na umupo," turo ni ma'am sa katabing upuan ni Owen.
Ha???
Ayoko tumabi diyan!
"Ma'am wag na po!" sa sobrang panic ko ay napasigaw nalang ako. Nakakahiya naman din kasi don sa papalitan. Paano kung malabo din mata niya?
Tinignan lang ako ng masama ni Miss Fabio at si Marilo naman ay nag aabang na sa upuan ko. Hindi siya makaupo dahil andon pa ang gamit ko. Nagmadali na akong pumunta don at siniksik lahat ng gamit ko sa bag.
"Hala, sorry. Napalipat ka pa tuloy," natatarantang sabi ko.
"Okay lang, malinaw naman mata ko," ngumiti siya sa akin pero ako natataranta pa din kaya muli akong nagsorry.
"Okay lang talaga, Flaire. Sige na," mas lalo akong nataranta ng tawagin niya ako sa pangalan ko. Parang ngayon ko lang ulit narinig na tawagin ng iba ang pangalan ko.