Chapter 15

42 6 2
                                    

"Ang corny mo naman!"

Tumawa siya ng napakalakas. Yung tipong mawawalan na siya ng hininga. Baliw na ata talaga 'tong si Owen, eh.

"Di ka man lang natouch sa sinabi ko. Ang sweet ko na bestfriend diba?" sabi niya pagtapos niya tumawa. Medyo naluluha pa nga ang mata niya.

"Alam mo, ang panget mo. Lumayas ka nga sa harapan ko," nakasimangot na sabi ko sakaniya. Minsan kasi maiirita ka nalang sa pagmumukha ni Owen dahil yung itsura niya parang puro kalokohan lang alam.

"Joke lang, kabado ka naman kasi masyado," sabi niya. Tumayo pa siya para guluhin ang buhok ko kaya mas lalo akong napasimangot. "Nagplano na si Odess na mag overnight party tayong tropa. Sama ka ha?"

Napataas ang aking kilay sa kaniyang sinabi. Parang sira naman, dahil sakin kaya sila nag away ni Faith tapos isasama niya pa din ako. So anong point ng party na 'yon diba?

"Huwag mo na masyado isipin, 'di galit si Faith sa 'yo. Isa pa, siya nagsabi na isama ka," he said with an assuring voice. "Isipin mo nalang paano ka tatangkad."

Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya sa dulo. Napaka epal talaga.

"Basta pag magalit sa 'kin, ikaw bahala, okay?"

"Oo naman."

Pagtapos namin mag usap, tsaka lang naisip ni Owen na tumawag ng doktor para matignan ako.

Hindi naman ganon kalala ang nangyari sa 'kin at puro mga sugat lang naman nakuha ko kaya pinayagan na ako umuwi pero kailangan ko pa magpahinga syempre.

Nakareceive ako ng text galing kay Kuya Stream na hintayin niya ako dahil siya na daw mag uuwi sa 'kin.

Gusto ko pa naman umuwi na agad dahil feeling ko ang dumi dumi ko na pero nakakahiya naman din kung ihahatid pa ako ni Owen. Binantayan niya na nga ako.

"Ayan napapala ng kasabugan mo," bungad ni Kuya River na nasa backseat. Auto irap agad ako nakita ko palang pagmumukha niya.

"Alalang alala ka nga sa 'kanya di ka pa makatulog," pang aasar ni Kuya Stream sa kaniya kaya agad niya 'tong sinamaan ng tingin

"Malamang! Pano kapag nagka-amnesia na pala siya? Hassle magpakilala ulit 'no," masungit na sagot ni Kuya River. Natawa nalang ako sa lawak ng imagination niya, eh hindi naman ako totally na nabunggo talaga. Nakatikim tuloy siya ng kutos ni Kuya Stream.

"Tama na mga Kuya. Ako lang 'to okay?" pagpigil ko sa kanila. Baka mamaya pa kami makauwi kung mag away sila. "Nga pala, nasaan si Kuya Lake?"

"Alam mo naman na duwag 'yon sa hospital, diba?" napatango nalang ako sa sagot ni kuya Stream. Naalala ko na kahit nga pala may sakit siya, di talaga siya nagpapadala sa hospital. Tsaka, hindi naman siya required na puntahan talaga ako.

"Ikaw naman din, Stream," sagot ni Kuya River. Awkward na tumawa lang si Kuya Stream. Actually, 'di ko talaga alam bakit ayaw nila sa hospital. Natatakot kasi akong itanong.

"Mag Kuya ka nga kay Kuya Stream. Wala kang galang," pagbabago ko ng topic na may kasamang irap.

"Ikaw, isang ikot pa ng mata mo sakin, dudukutin ko 'yan," pagbabanta niya. Agad akong lumingon sa kaniya para ipakita pa lalo ang pag irap ko sa 'kaniya. Alam ko naman na di niya kaya madukot 'yon, duh.

Dahil naasar nga si Kuya River, ako naman tuloy ang nakutusan niya. Nag away lang kaming tatlo buong biyahe namin pauwi sa bahay.

Nagpahinga na agad ako nang makarating kami sa bahay, pero bago 'yon, nagchat na muna ako kay Owen dahil binilinan niya ako na sabihan ko siya pagka uwi ko.

Sparks EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon