a/n: madaming errors & lame chapter ahead skrt.
•••
Dear Faith,
90th. It's been 4 months already and I couldn't help but to miss being with you.
I stopped reading because It felt like I'm reading something private. Kahit curious ako, mas pinili kong itago ang papel sa bag ko. Ibabalik ko nalang 'yon bukas.
The next day, Kuya Stream drove me to school kaya maaga akong dumating sa school.
"Owen," kakapasok ko pa lang sa classroom. Nandoon na agad si Owen na nakadukdok ang ulo sa upuan.
"Uy," Bahagya kong ginalaw ang kaniyang braso para magising siya. Nagulat siya nang makita niya ako, umupo agad siya ng ayos.
Mukhang wala pa din siya sa mood dahil 'don sa papel.
Kinakabahan tuloy ako kahit hindi naman ako ang naglagay 'non sa libro ko.
Binuksan ko ang bag ko at iniabot sakanya ang papel na kahapon pa niya hinahanap.
Hinablot niya agad 'yon at binuksan. Tumingin siya sakin at mukhang galit siya. Bakit parang may kasalanan ako?
"Sabi mo wala sa 'yo!" malakas na sabi niya. Mabuti na lamang at kakaunti pa lang ang tao dito sa classroom. Maya maya dadami na din 'yan.
"Hindi ko naman alam na nakaipit sa libro ko," mahinang sabi ko dahil may ibang kaklase kami na natutulog pa.
"Binasa mo?"
"Yung una—" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagulat ako nang pinalo niya ng malakas ang lamesa niya.
"Bakit mo binasa?" Nakatayo na siya habang hawak hawak pa din ang papel.
"Yung una nga lang!" sigaw ko. Kapal naman ng mukha niya na sigawan ako. Buti ako ang nakakuha at sinauli ko pa. Buti una lang binasa ko.
"Binasa mo pa din!" inis na sigaw niya sa akin.
I admit that I'm a very sensitive person kaya naman naluha ako sa pagsigaw sigaw niya sa akin. Naiinis din ako. Bakit ba nagagalit siya sa akin? Kasalanan ko ba na iniwan niya sa libro ko yung pesteng sulat niya? Kasalanan ko ba na ako yung katabi niya? Kasalanan ko ba na inilipat ako ni Miss Fabio sa tabi niya?
"Paano ko malalaman na sa'yo nga yan kung di ko titignan!" Ayokong sinisi ako sa mga bagay na wala naman akong kasalanan.
"Alam mo naman itsura nito!" Tinapon niya sa arm chair ko ang papel.
"Wala naman akong pake kung ano nakasulat diyan sa pesteng papel na 'yan wag mo ko sigawan!" I swear that my eyes are becoming teary.
Padabog siyang umupo sa upuan niya at muling kinuha ang papel at tinago sa bag niya. Habang ako, nakatayo pa din at nakayuko.
"Bro," Dumating si Luis at tinapik si Owen. "Wala talaga ako nakita, bro. Nagtanong na din ako sa naglinis-- Uy, Flaire, bakit ka umiiyak?" Padabog kong binaba ang iba kong gamit na kinuha ko sa locker at umupo na.
Nakakainis siya.
Wala naman akong pake kung galit siya.
He's not that important.
"Anong ginawa mo, bro?" narinig kong bulong ni Luis sakanya. Hindi niya sinagot ang tanong at dinukdok na lamang ang ulo sa upuan.
Nagsimula na ang klase namin. Masama man ang loob ko sa pag aakusa niya sa akin, pinilit ko pa din magpokus sa klase lalo na't Gen Math ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/181013632-288-k32940.jpg)