Chapter 8

29 7 1
                                        

"Flaire, may balak ka pa ba bumaba diyan?!" dinig kong sigaw galing sa baba.

Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin at muling naconscious sa suot suot ko na damit.

Sabi kasi ni Kuya Lake, pool party daw pala yung pupuntahan namin. Hindi ko naman alam kung ano ang sinusuot sa ganon pero sabi ni kuya anything will do daw.

Kaso hindi ko talaga alam ang susuotin kaya si Kuya Stream ang pinapili ko. Wala daw kwenta ang mga damit ko sa closet kaya inutusan niya pa si Ate Mariel para bumili sa mall.

Ngayon, suot ko ang isang spaghetti crop top at beach shorts na medyo mahaba dahil pang lalaki ata 'to. Para naman akong pupunta sa beach sa itsura ko.

"Iiwan ka na namin, Flaire!" muling sigaw nila.

Bumuntong hininga ako bago kumuha ng jacket sa closet ko. Hindi na ako nagdala ng kahit ano dahil kasama ko naman ang mga kapatid ko.

"Bakit ba ang tagal mo?" bungad na tanong ni Kuya River.

"Kahit ano naman suotin mo panget ka pa din," pang eepal ni Kuya Lake.

"Hayaan niyo na. First party na pupuntahan niya 'to," pagtatanggol naman ni Kuya Stream sa akin. "Pero true, pangit ka pa din."

Sinamaan ko sila ng tingin. Hindi naman ako pupunta kung hindi ako tinigilan ni Owen sa flood na text niya na pumunta ako. 18th birthday daw niya 'yon kaya kailangan nandoon ako dahil best friend niya nga daw ako.

"Tara na nga ang bagal niyo," reklamo ni Kuya Stream bago lumabas ng bahay. Iisang kotse lang kasi ang dadalhin namin ngayon para daw sabay sabay kaming uuwi sabi ni Papa.

Speaking of Papa, hindi pa ako nagpapaalam sa kanya kasi sabi nina kuya, sila na daw ang bahala sa pagpapaalam para daw payagan ako. Para sure, tinext ko nalang siya na aalis na kami.

Inabot sa akin ni Ate Mariel ang regalo na pinasabay ko ng bili sa kanya nung bumili siya ng damit ko. Nagpasalam ako kay Ate Mariel bago ako sumunod sa pagpasok sa kotse.

Tumingin ako sa orasan ko at nakitang 9:30 na ng gabi. Dahil sa manila pa yung pupuntahan namin, siguro bago mag 11 kami makakarating doon.

"Okay ganto plano. Magkikita kita tayo sa parking lot. Kung may gustong maunamg umuwi, magpaalam muna. Naiintindihan ba?" tumango kaming tatlo sa bilin ni Kuya Stream nang makarating kami sa parking lot ng bahay nina Owen.

"Ikaw, sasama ka sakin kung wala kang makita na kakilala mo," sabi ni Kuya Stream sa akin na inakbayan ako. "Wag na wag mo tatanggalin yang jacket mo, okay?"

I nodded. Wala naman din talaga akong balak tanggalin dahil sobrang lamig. We started to walk inside. Madidinig mo na agad ang malakas na music kahit nasa labas ka palang. I didn't know that Owen is a party type of person.

There were party lights everywhere. Sobrang crowded ng pool side pati ang mismong pool. Everyone seems to be having fun.

Ganto pala ang magcelebrate ng birthday with a lot of friends and acquaintance. Sana may ganto din ako.

"Kuya, I think friend ko 'yon," sabi ko kay kuya Stream nang makita ko ang pamilyar na lalaki na nakasuot ng white shirt at floral na shorts na nakatayo malapit sa table ng mga pagkain.

Sinamahan ako ni kuya papunta doon at nang masigurado niyang si Luis nga 'yon ay iniwan niya na ako.

"Si Owen?" I asked.

"Ayun, oh," Luis pointed the pool. I saw Owen there splashing the water to his friends. He seems to be enjoying his birthday celebration.

Owen's eyes landed on me so I waved my hands. Bumulong siya doon sa kasama niya bago umahon para lumapit sa akin.

Sparks EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon