"Go, Owen!" kanina pa ko rinding rindi sa mga tilian ng mga babaeng junior high school na nanonood ngayon sa PE namin.
Magkalaban ngayon ang team namin at ang kay Owen. Napaka unfair dahil magkasama pa sila ni Luis na parehas varsity. Ewan ko nga kung bakit nakikilaro ang dalawang 'yan. Exempted naman na sila.
"Talunin niyo sila bebe Luis!" Parang gusto ko nalang tampalin ang mukha ko nang kindatan sila ni Luis kaya mas lalo silang umingay. Akala mo naman may tournament na nagaganap dito. PE class lang 'to!
"Oceane Flaire, ano na? Patangkad na!" Umirap ako sa pagsigaw ni Owen. Kanina pa kasi nila nabablock ang spike ko. Oo na, ako na maliit peste.
Tinatamad na din naman ako maglaro kaya nakipagpalit na muna ako sa isa kong kaklase na nanonood. Buti nga pumayag siya dahil di ko na kayang ipahiya sarili ko dito.
Kapag minamalas ka nga naman at nalimutan ko pa dalhin ang towel ko na nasa room. Bawal pa man din pumasok sa room hangga't di nagbebell. Magtitiis pa tuloy akong pawisan dito.
Tumingin ako muli sa mga naglalaro ng volleyball at napansin na wala na din doon si Owen at Luis. Si Luis ay kumakausap na ng mga junior high school na tumitili kanina. Sumali lang ata silang dalawa para pagtripan ako, e.
"Oh, ang dugyot mo tignan," nagulat nalang ako nang lumitaw sa harap ko si Owen na naghagis ng towel sa mukha ko.
"Yuck, ginamit mo na 'to 'no," nandidiring sabi ko habang hinahawakan ang towel gamit ang dalawang daliri ko lamang.
"Excuse me, hindi ako dugyot," sabi niya at pinitik ang noo ko.
I made a face before using his towel. Umupo naman siya sa tabi ko at bigla nalang ako sinakal gamit ang braso niya.
"Kailan ka kaya tatangkad?" Pang aasar nito sa akin. Umirap ako at buong lakas na siniko siya dahil nakita ko na sinasamaan ako ng tingin ng mga tao sa paligid namin.
"Lumayas ka nga, doon ka sa jowa mo!" inis na pagtutulak ko sa kanya. Sakto nandoon din ang mga Abm sa kabilang court dahil PE din nila.
"Bakit ayaw mo na ba sa akin?" madramang tanong nito.
"Oo. Sawang sawa na ko sa 'yo kaya lubayan mo 'ko!" pagsabay ko sa kadramahan niya pero totoong sawa na ko sa pagmumukha niya.
Literal na araw araw ko siyang nakikita dahil nagpupunta siya sa bahay tuwing weekends para makipaglaro kanila Kuya. Wala naman akong pake gaya ng dati kaso ngayon binubulabog niya na ako.
"You know what? You should join the volleyball team," biglang sumeryoso ang mukha niya habang nanonood sa mga naglalaro ngayon.
"Dude, no," I answered seriously too. I tried playing volleyball once and I end up with an injury. Basketball is way more better than volleyball.
"Bakit naman? Galing mo nga kanina," tumingin siya muli sa akin with his serious eyes.
"Really?" tanong ko. Maybe I should consi-
"Oo, galing mo mablock," tarantadong sagot niya at nagsimulang tumawa. Sinasabi ko na nga bang walang matinong sasabihin 'tong lalaki na 'to!
After hours, break time na and the three of us went to the cafeteria like the usual. Para ngang may seating arrangement na kami doon dahil pareho ang pwesto namin simula nung sumama ako sa kanila.
Naandon na sina Atina at Odess na may mga dalang baon kaya iniwan ko ang cellphone ko sa tapat ng inuupuan ko palagi bago pumila para bumili, ganon din ang ginawa nina Owen at Luis.
"Pustahan tayo anong bibilhin ni Flaire. Bff test 'to. Game?" Napairap ako sa paghahamon ni Luis kay Owen. Eto namang sira ulong Owen na 'to, nauto naman at pumayag.