Chapter 13

24 9 0
                                    

a/n: a very late update hehe. typographical & grammatical errors ahead! thanks for reading <3

Hindi na ko itinuloy pumuntang CR. Dumeretso na ako sa elev at bumaba sa ground floor.

Para kasing nawala lalo lahat ng energy ko at gusto ko nalang umuwi. Buti nalang mag isa ako uuwi dahil may gagawin pa ang mga kapatid ko.

Sa ngayon, gusto ko nalang mapag isa. Actually, ayoko na problemahin 'to kasi may exams pa. Masasayang yung mga inaral ko kapag nadistract ako.

Kung kailangan iwasan ko silang lahat, edi gagawin ko.

Pansamantala lang naman 'to. Hangga't hindi ko pa naaayos 'tong nararamdaman ko. Hangga't hindi ko pa ako nalilinawan sa lahat.

Pagdating ko sa kwarto ko, tinext ko si Papa pati na din ang mga kuya ko bago ko patayin ang cellphone ko para sure na hindi ako mapapagalitan kagaya ng dati. Mahirap na, baka magpatong patong pa sermon sakin.

Babalik muna ako sa pag aaral ko para sa exams. Babalik muna ako sa dating ako na puro aral lang baka sakaling mawala lahat ng iniisip ko.

Nag aral ako hanggang sa makatulog ako sa study table ko. Nagising lang ako nang pumasok si Ate Mariel sa kwarto ko para magdala ng dinner ko.

Kumain ako ng kaunti at nagpahinga bago tuluyang matulog na. Tatlong araw ko na 'to inaaral. Kaya ko na siguro bukas. Feeling ko kasi hinahabol na ako ng pagod ko sa nakalipas na araw.

Hinilot hilot ko ang aking sentido dahil medyo sumasakit ang ulo ko hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na ako.

Kung kahapon maaga ako pumasok, ngayon naman nagpa late ako. Mas mababa ang tyansa na makita nila ako. Buti nalang nga umabot ako sa bell.

Hindi ganoon kahirap ang naging exam sa Earth Sci pati na din sa isa ko pa na subject.

Dumeretso na ko palabas ng school at hindi na sa cafeteria pero tinext ko si Atina baka kasi abangan pa nila ako.

Balik nanaman sa aral...

Sa sumunod na araw, ganon pa din. Late akong pumasok at hindi na pumunta ng cafeteria. Kailangan ko panindigan ang mga sinasabi ko sa sarili ko.

Sa pangatlong araw ng exam, may dalawang subjects lang ulit. Hindi ko na kailangan magtagal sa school.

Nasa locker na ako ngayon dahil kailangan ko na isauli ang libro na dala ko nung second day at ngayon. Hindi ko 'yon nalagay kahapon kasi nakita ko na nandoon sina Owen at Luis.

Nagmamadali akong ipasok ang mga gamit ko sa locker dahil baka maabutan nila ako.

"Pre, baka nag aaral lang. Hayaan mo na." Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang madinig ko ang boses na kakapasok lang sa classroom.

"Flaire? Uy, eto na pala si Flaire, eh. Hindi ka na nagpaparamdam," sabi ni Luis na hinawakan ang balikat ko. Lumingon ako sa kanila at ngumiti bago ko binalik ang atensyon ko sa pag aayos ng locker ko.

Si Luis ay pumunta na sa kabilang dulo dahil nandoon ang locker niya. Sumilip ako at nakitang nag aayos na din siya sa locker niya.

Pero si Owen...

Nakatayo lang siya sa gilid ko at sigurado akong pinapanood niya ako.

Lutang kong pinasok lahat ng laman ng bag ko. Gusto ko ng umalis dito.

"EFA ang exam bukas bakit pinasok mo notebook mo sa locker?" Nanlaki ang mata ko at kinalkal ang bag ko na wala ng laman.

The heck, bakit ko nilagay ulit sa locker 'yon?

Sparks EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon