Chapter 2

56 13 7
                                        

Chapter 2:

Kung kanina ay takot akong maging rude sakanya, ngayon ay hindi na. Umirap agad ako.

"Ang epal mo," Nashock siya sandali pero agad din natawa at ginulo ang buhok ko. Luh close kami?

"Grabe, Oceane Flaire. Hindi naman ako 'yon," Hindi daw siya pero alam niya. Loko din 'to ah.

"Talaga? Kwento mo sa Lolo ko," mataray na sabi ko habang pinapasok ang notebook sa bag ko. Bakit ba nandito 'tong espiya na 'to? Wala pa naman akong ginagawang masama.

"Di ko kilala lolo mo. Next time nalang," Pambabara niya sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin dahil bwisit siya. Epal siya!

"Mamaya mo na 'ko samaan ng tingin. Tara na," Hindi ako tumigil dahil ang feeling close niya. Porket hinatid niya ko dito kanina kailangan sasama ako sakanya ngayon?

"Alam ko na lunch na kaya umalis ka sa harapan ko, please." Hindi ko alam kung may nakakatawa ba at tawa siya ng tawa habang nagsusungit ako. Nakakaamuse ba 'yon?

"Sa court tayo, Pinapasundo ka ng kuya mo," Napairap ulit ako. As if naman hindi ko kaya pumunta don 'no, Ang tanda tanda ko na! Ang epal naman kung sino mang kuya ang nag utos dito, kukutusan ko 'yon.

"Kaya ko sarili ko," Mapride at matapang ko na sagot then he just looked at me like I said some joke. Grabe, Who are you to judge me! Are u the father!!

"Kaya ko sarili ko." Mapangasar na panggagaya niya sa 'kin. Kutusan ko din kaya 'to? "Alam mo ba kung ilang court ang meron dito? Alam mo kung saang court kuya mo?"

I didn't answer kasi di ko naman talaga alam at sure ako na maliligaw ako. But the heck! Ayoko sumama sa epal na gaya niya!

"Okay, sige bahala ka," mapang asar na sabi nito at mapang asar din kumaway sa akin habang naglakad ng mabagal.

Flaire, isa kang independent na tao. Wag mo siyang tatawagin. Makakapunta ka ng gym. Kaya mo 'to.

Ugh, hindi ko kaya!

"Sandali!" I badly want to slap my face when I realised na sumigaw ako. Minsan talaga hindi ko makontrol ang mga desisyon ko sa buhay dahil mabilis ako maligaw.

Oo na sige na. Aaminin ko na sa sarili ko na hindi ako magaling sa direksyon. Etong classroom nga na iisa lang hindi ko mahanap, court pa kaya na madami?

"Yes, Oceane Flaire?" Lumingon siya sa akin at nagtaas baba ng kilay. Ang panget niya sobra tapos ang cringey na nga ng pangalan ko, binanggit niya pa.

"Oo na, sige na. Sasama na ako," Pilit na sabi ko at tumayo na habang hawak ang ibang libro na iniabot ng taga bookstore kanina sa klase. Agad siyang humarap sa akin at kinuha ang bag ko.

"Luh, ginagawa mo?" takang tanong ko ng kinuha niya ang bag ko. Hindi naman sakanya 'yon. Baka naman snatcher pala siya, wtf.

"Tinutulungan ka. Edi wag," Nakita ko kung pano mamula ang pisngi niya kahit iniwas niya agad ang mukha niya. Binagsak niya muli ang bag sa upuan ko.

"Baliw ka na ba?" tanong ko habang sinusukbit ang bag ko sa likuran ko. Nasisiraan na ata ng bait 'to. Sana okay pa siya.

Natawa na lamang ako sa mga pinag iisip ko. Hindi din naman siya nakatiis at tinulungan ako since may books nga ako na dala.

"Nakakatuwa?" Pagtataray niya kaya inirapan ko siya dahil hindi ako papatalo. Sinong nagsabi sakanya na pwede niya akong tarayan?

Lumabas na kami ng classroom nang maalala ko na dapat ichachat ko muna sina kuya. Mamaya scam pala 'tong si Artiñez na 'to tapos ikidnap niya ako tapos ipasalvage. Mahirap na.

Sparks EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon