Chapter 14

30 7 2
                                        

"Taragis, sandali. Nagmamadali, teh?" naiiritang sabi ko kay Owen na itinulak ako palabas ng kotse niya.

Hindi ko alam kung pagsisihan ko ba na kinausap ko na siya dahil ang kulit nanaman niya. Ang aga aga, nasa bahay na agad siya para ayain ako pumunta ng mall. Ang sarap niya lang itapon sa bangin.

Parang kagabi lang magkausap pa din kami sa tawag. Eh, ang kinukwento niya lang naman sakin ay may lalabas sila ni Faith sa makalawa. Mga ilang beses niya siguro sinabi sa akin na excited na siya.

"Kupad mo naman. Anong petsa na, oh," sabi nito sa akin na itinutulak na ako papasok ng mall. Nakakastress, siz. Imbis na matulog lang ako today, nandito ako.

"Uwi mo nalang ako, please," Humarap ako sa kaniya at nag paawa. Hindi naman ako interesado mag ikot sa mall, sayang sa energy 'yon.

"Bawal kita iuwi sa bahay, sira," pilosopong sagot niya kaya naman hinampas ko siya ng panyo na dala ko dahilan kung bakit siya napatigil sa pagtulak sa akin.

"Sinabi ko bang bahay mo? Bahay ko! Sa bahay namin!" malakas na sabi ko. Wala na akong pake kung pinagtitinginan kami ng ibang tao dahil nag iinit ang ulo ko sa kanya.

"Chill, high blood. Ganyan ba talaga kapag hindi naaarawan?" malokong tanong niya sa akin na mas lalong kinainis ko. Pasalamat siya wala akong dalang bag ngayon kung hindi tuluyan ko na siyang hinampas.

Tumigil kami sa pagbabangayan namin sa gitna ng mall nang tumunog bigla ang cellphone niya. Sure ako na kaniya 'yon kasi wala naman akomg dala.

"Amp, tokis ni Luis, tayo lang tuloy dalawa," sabi niya habang nagtitipa sa cellphone niya. Sayang, wala si Luis. Ilang araw ko na din hindi nakakausap 'yon dahil sa kalokohan ko.

"Ano ba kasi gagawin natin?" Tanong ko nang maglakad kami papasok sa elevator. "Uwi nalang," pagpupumilit ko pa.

"Goal mo ba talaga maging zombie? Kasi konti nalang ganon ka na kakatambay mo sa kwarto mo," sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya. Sinamaan ko siya ng tignin dahil binabadtrip talaga niya ako.

Hindi niya na ulit ako pinansin hanggang sa makababa kami mg elevator. Tignan mo, isasama ako tapos hindi naman ako kakausapin. Mukha naman akong shunga dito.

"Kain muna tayo," sabi niya habang deretsong naglalakad papunta sa food court.

Sumunod nalang ako kasi as if may choice ako. Kung may pera lang ako na dala iniwan ko na 'to dito at umuwi sa bahay.

"Ngiti naman diyan parang napipilitan ka lang na kasama ako," sabi niya nang may mahanap na kami na mauupuan namin.

"Napipilitan lang naman talaga ako," masungit na sabi ko habang inililibot ang tingin ko sa mga bukas na stalls. Nahagip ng mata ko ang siomai house kaya tatayo na sana ako para bumili kaso wala nga pala akong pera.

"Bilhan mo 'ko nung siomai. Gusto ko may kanin. Dalian mo kung ayaw mo takasan kita," pang uutos ko sa kaniya.

Tumawa siya. Eto nanaman 'yang pesteng tawa niya kahit wala namang nakakatawa. Hindi niya dapat ako tinatawanan sa mga panahong gutom ako!!

Sinamaan ko siya ng tingin kaya itinaas niya ang dalawa niyang kamay bago siya tumayo at maglakad papunta sa siomai house na sinasabi ko.

Tahimik lang ako nag antay sa aming upuan. Dahil wala akong magawa, kinuha ko nalang ang cellphone ni Owen na iniwan niya sa mesa.

Hindi ko naman alam ang passcode niya kaya tinignan ko nalang ang likod ng phone niya. Nandoon yung printed picture namin noong birthday niya tapos sa baba picture naman nila ng team mates niya.

Sparks EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon