a/n: enjoy reading this veryYYYy sabaw chap skrrt hehe
I tried to ignore them a bit but I think it won't do anything. Isipin mo naman, sila lang ang maituturing kong kaibigan dito sa school.
I did what Kuya River advised me to do. I focused on my upcoming examinations and became very very anxious. Sobrang naistress ko ang sarili ko kaya hindi naman ako makatulog dahil aral ako ng aral kahit Wednesday pa lang ngayon at sa Monday pa ang exam.
"Oh, inumin mo," tila ba bumalik ako sa real world ng idikit ni Kuya River ang tumbler niya sa balat ko.
"Bakit nandito ka? Hindi naman dito daan mo," sabog na tanong ko sa kanya. Sure ako na litaw na litaw ang eye bags ko dahil pangalawang araw na 'to na wala akong tulog.
"Kanina pa kaya kita tinatawag hindi ka lumilingon," muli niyang dinikit ang tunbler sa aking balat kaya kinuha ko 'yon.
"Ha? Ano 'to?" kinusot kusot ko ang aking mata habang nakatingin sa tumbler na inabot niya.
"Tumbler malamang. Lutang ka?" sarkastikong sagot niya sa akin. Kung may energy lang ako ngayon baka inuntog ko na 'tong tumbler niya sa ulo niya.
"Gatas 'yan," matinong sagot ni Kuya River. Umirap ako at muling inabot sa kaniya ang tumbler. Hindi ko naman pwedeng inumin 'yon dahil nakakatulog ako kapag uminom ako ng gatas. Alangan naman matulog ako sa klase ko diba.
"Sa 'yo na," masungit na sabi ko at muling tumalikod para sana ay maglakad na papunta sa elev kaso hinabol ako ni Kuya River na inaabot pa din ang tumbler niya.
"Ayoko nga niyan. Makakatulog ako sa klase," matamlay na sabi ko habang tinutulak sa kanya ang tumbler.
"Unti untiin mo kasi ng inom para di ka makatulog. Kung makatulog ka, edi maayos. Kakausapin ko nalang teacher mo," parang tatay na sabi nito sa akin. Inipit niya sa dalawang kamay ko ang tumbler kaya wala akong magawa kung hindi ay hawakan 'yon. Tinalikuran niya ako at naglakad na paalis.
Mag isa ako sa elev. Kung normal na araw 'to, maghahagdan ako dahil ayaw kong sumakay doon mag isa kaso lutang na araw ko 'to. Sumandal ako sa pader mg elevator at pinilit ang mata ko, pinapakiramdaman ko kung inaantok ba ako o hindi pero parang wala talaga sa sistema ko ang matulog.
Nakarating na ako sa floor namin at muling lutang na naglakad papunta sa hallway namin. Parang ang layo ng hallway ngayong araw. Nakakapagod maglakad.
As usual, tahimik pa ang daanan dahil maaga pa. Paniguradong wala pa amg karamihan ng estudyante pati siguro si Owen wala pa dito.
"Bulaga!" Isang epal ang biglang lumitaw sa harapan ko sa paliko papuntang hallway.
"Anak ng-"
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Sobrang lutang ko at hindi ko man lang napansin na may gugulat sa akin. Napaupo ako sa sahig dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Gulat na gulat?" I swear, gusto ko na siyang sapakin nang tumayo siya sa harapan ko.
Tila ba nauhaw ako kaya agad ko binuksan ang tumbler na hawak ko at diretsong ininom 'yon para makalma ako. Parang ang tamis ata ng tubig ko ngayon...
"What the heck? Tao ka pa ba niyan?" pagtawa ng one and only epal na si Owen. Nainis ako sa tawa niya kaya binato ko sa kanya ang tumbler.
Buti nalang natamaan siya sa balikat kaya napadaing siya sa sakit. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at pinunasan ang bibig ko.
"Sadista ka ba, ha?" pagrereklamo ni Owen na hindi ko pa din kinikibo. Tumayo na ako dahil okay na ako at balak kong pumasok na sa classrom dahil anytime mamumurder ko na talaga 'tong lalaki na 'to.
