"Sorry, medyo inaantok pa ako," napatigil ako sa pagtitig kay Owen ng iangat niya ang ang ulo niya at kinusot kusot ang mata niya.
Am I attracted to Owen? Is this what they called 'crush'?
No. Ano ba 'tong iniisip mo, Flaire?
Pasimple 'kong sinampal ang pisngi ko. Baka inaantok lang ako. Guni guni lang 'to.
"Namumula pisngi mo. Ano meron?" Nakakunot-noong tanong niya sa akin pagkatapos niya kusutin ang mata niya.
"Ha? Ano? Ah, ano ang init kasi," I laughed pero alam 'kong tunog plastik 'yon dahil kinakabahan ako. Bakit nga ba kasi ako kinakabahan? Si Owen lang 'yan.
"Flaire, naka aircon 'tong study room niyo," sabi nito na para bang naguguluhan siya sa itsura ko. I let out a fake laugh again because I don't know what to do.
"Nilalagnat ka pa ba?" Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang lumapit sa akin para hawakan ang noo ko.
Ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. What the freaking hell. Why did it felt so awkward? Or ako lang talaga ang nakaramdam 'non?
"H-hindi! Ano ka ba! Magsimula na tayo," I said, trying not to sound awkward.
"Oh? 'Di ka pa ata okay, eh. Balik nalang ako bukas," nakapoker face na sabi niya. Agad ako bumalik sa dati kong sarili dahil naalala ko na nandito siya para turuan ako.
Mag focus sa exams, Flaire. Mag aral. Kaya kayo nandito ngayon dahil kasalanan niya kung bakit kinailangan mo umabsent kahapon. Pero sige na nga kasalanan ko din ng mga one half.
"No! Okay na okay ako. Simula na tayo," Tinignan niya ako saglit bago umupo muli sa sa kaniyang upuan tapos siya naman ay tumitig saglit bago nagsimula maglabas ng mga fillers niya
Good thing, kaunting subjects lang ang may dagdag ang kaso sa mga favourite subject ko pa. Alam niyo na kung ano 'yon.
Dahil First day pa din ang Gen Bio, yun ang inuna naming aralin ni Owen. Never na ata ako makakaahon sa subject na 'to. Hirap na hirap ako makaintindi, siz. Tipong photosynthesis lang 'yon na sobrang dali nung elem tapos ngayon mapapanganga ka nalang dahil di mo maintindihan.
Owen tried explaining Gen Math's new lesson pero mukhang siya pa ang naguluhan nung tinuro niya kaya sa dulo ako pa din ang nag explain sa kanya.
Magsisimula na sana kaming mag aral sa Earth Sci nang may kumatok sa pintuan. Baka si Ate Mariel na 'yon kaya tumayo kaagad para buksan 'yon.
"What's up, mga dudes," napakurap ako ng bumungad sa akin si Kuya Stream na siyang may dala ng tray na may pizza.
"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko kay Kuya Stream. He ignored my question and pushed me so he can enter the study room.
Nilapag niya ang tray sa tapat ni Owen at umupo sa inuupuan ko kanina.
"Magpalamig lang ako saglit dito," sabi ni Kuya Stream na kay Owen nakatingin. Tumango si Owen sa kanya. Ako naman ewan ko kung bakit hindi ako makareklamo kay Kuya Stream kahit gusto ko kay kumuha nalang ako ng isang upuan sa gilid dahil inagawan ako ni Kuya Stream.
"Ginto ba 'tong upuan na 'to?" reklamo ko habang bahagyang sinisipa ang upuan dahil hindi ko mabuhat.
Napagdesisyunan ko na hihilahin ko nalang 'yon dahil baka mas lalo lang ako lumiit kapag pinilit ko buhatin 'yon. Life goal ko pa naman ang tumangkad.